Lalaking sa lupa na lamang nakahiga, humihingi ng tulong na mahanap ang kanyang mga kamag-anak - The Daily Sentry


Lalaking sa lupa na lamang nakahiga, humihingi ng tulong na mahanap ang kanyang mga kamag-anak



Nanawagan ang concern netizen na si Jessa Delfino sa mga kamag-anak ng isang lalaking humihingi ng tulong dahil sa hirap ng kanyang sitwasyon.
Photo credit: Jessa Delfino

Sa kanyang Facebook post, ipinanawagan ni Jessa si tatay Augusto Bayuco Jr. sa kanyang mga kamag-anak dahil sa nakakadurog na kalagayan nito. Malubha na ang karamdaman ni tatay kaya hindi na ito makatayo at sa lupa na lang nakahiga.

Ayon sa post ni Jessa, si tatay Augusto ay nakatira sa Talisay City Park sa tapat ng The Jesus Church Philippines Inc.

Aniya, ang mga kapatid raw ni tatay ay sina Rolando Bayuco na nasa Saudi, si Marilou Bayuco na nasa America naman at si Josephine Montemor na nasa Davao.
Photo credit: Jessa Delfino
Photo credit: Jessa Delfino

Sina Augusto Bayuco Sr. at Wilfreda Bayuco naman ang mga magulang ni tatay Augusto.

Kumakatok si Jessa sa mga taong may busilak na puso na sana ay maabutan ng tulong si tatay at maipaalam sa kanyang mga kamag-anak ang nakakaawang kalagayan nito.

Narito ang kabuong post ni Jessa sa dayalektong Cebuano:

“Hello sa tanan samtang nag outreach program mi ganiha samay park Nakita ni namo si tatay Augusto Bayuco Jr. nakatandog sa amoang kasing² iyang kahimtang naa siyay gipang mention iya daw mga igsoon si Rolando bayuco naa daw sa saudi, Marilou bayuco naa ga puyo sa Amerika, Josephine montemor naa daw sa Davao karon nagpuyo Rodora Maco naa sa Leyte Rebecca bayuco naa sa Davao, Orbano bayuco naa sa tuburan.

Maoni ang ngalan sa iyang Mama ug papa wilfreda bayuco ug si Augusto bayuco Sr. dili napud siya makalakaw naa siya karon ga poyo duol sa basketan sa park dapit samay guba nga sakyanan gialihan rani siyag trapal ang iyang gihigdaan Kay yuta na.

Manuktok unta mi sa inyong mga kasing² kung kinsay makatabang ni tatay bisag pangkaon lang ang iyang exact location Kaysa Talisay City Park atbang sa The Jesus Church Philippines Inc.

Salamat kaayo ang Ginoo nay mobalos ninyo.”


***
Source: Trend Pinoy