Netizen laking pasasalamat sa isang lolong tricycle driver na naghatid at nagsauli ng cellphone sa kanyang kaibigan - The Daily Sentry


Netizen laking pasasalamat sa isang lolong tricycle driver na naghatid at nagsauli ng cellphone sa kanyang kaibigan




Photo courtesy of Facebook @RonHerrera



Laking pasasalamat ng isang netizen dahil sa kabutihang ginawa sa kanya ng isang tricycle driver na si Robert o kilala sa kanilang lugar bilang si Mang Dama.


Ayon sa netizen at uploader na si Ron Herrera, nais nyang ibahagi sa social media ang kabaitan at kabutihang loob na ginawa sa kanya ng tricycle driver. *



Photo courtesy of Facebook @RonHerrera


Bagaman hindi kanya ang nasabing cellphone na naiwan sa tricycle ni mang Dama, napahanga sya sa katapatan nito. 


Kung tutuusin ay maari na nyang angkinin ang naiwang cellphone, pero mas pinili ni Mang Dama ang mabuti at walang alinlangang ibalik ito sa may ari.


Maging ang mga netizen na nagkoment sa nasabing post ni Ron sa Facebook ay nagpapatunay na kilalang mabait at tapat ang nasabing tricycle driver at proud sila na kilala nila ito.


Sakto namang ating ipinagdiriwang ang araw ng mga haligi ng tahanan ngayong buwan ng Hunyo kaya naman isang pagbati na rin kay Mang Dama ang ginawa ng netizen uploader na ito.



Narito ang post ni Ron Herrera sa kanyang Facebook post na naging viral dahil sa kabutihang loon ng matanda.


"Naibalik na Cellphone ni sir Robert bernasor sa nasakyan nyang tricycle body #463 Saktoda Salute, kay Mang Dama na nagsuli at nag tabi ng cp ni sir Robert. Sana marami pang kagaya ni Mang dama na may mabuting hangarin na makapagsauli ng mga naiiwang gamit o nahuhulog na importanteng bagay. Saludo po ako sa inyo Tatay o mas kilala na si Mang Dama na taga San perdro kalawaan God bless tayy Happy Fathers Day po!"