Isang anak, nanawagan kay Raffy Tulfo matapos bugbugin ng kapitbahay at tanod ang kanyang tatay na 79years old - The Daily Sentry


Isang anak, nanawagan kay Raffy Tulfo matapos bugbugin ng kapitbahay at tanod ang kanyang tatay na 79years old



Nananawagan ngayon ang isang anak kay Raffy Tulfo matapos umanong bugbugin ang kanyang tatay na napagbintangan lamang na nambabato ng bubong ng kapitbahay.
Photo credit: Catherine Buencamino

Sa Facebook post ni Catherine Buencamino, ibinahagi nito ang mga larawan ng kanyang ama na basag ang mukha at dumudugo.

Aniya, 79 years old na ang kanyang ama at napagbintangan lamang ito.

Isa umano sa mga sumugod kay tatay ay tanod na kanilang lugar sa Nueva Era San Manuel Isabela.
Photo credit: Catherine Buencamino
Photo credit: Catherine Buencamino

Ayon kay Catherine, hindi pinansyal na tulong ang hinihingi nila. Ang gusto nila ay makarating kay Raffy Tulfo ang kanilang problema upang mabigyan ng hustisya ang ginawa sa kanyang ama.

Panawagan niya ay mai-share ang kanyang post upang mabilis na makarating kay Tulfo.

Sa ngayon ay mayroon ng 11k reactions, 15k comments at 78k shares ang post ni Catherine.

Narito ang kanyang buong post:

“Guys patulong nman. Tatay ko po xa. 79 years old.
Photo credit: Catherine Buencamino
Photo credit: Catherine Buencamino

Pinagbintangan clang nambato ng bubong ng kapitbahay.

Sinugod cla at isa s mga sumugod ay tanod ng Nueva Era San Manuel Isabela.

Hindi po kmi humihingi ng pinansyal.

Ang tulong po n kailangan nmin ay maishare at makarating kay Raffy Tulfo.

Isang share ay malaking tulong n po.

Maraming salamat po.”
Photo credit: Catherine Buencamino
Photo credit: Catherine Buencamino
Photo credit: Catherine Buencamino



***