52-year-old na Pinoy, pinasok ang dalawang trabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang GF sa Pilipinas ngunit ipinagpalit sa iba - The Daily Sentry


52-year-old na Pinoy, pinasok ang dalawang trabaho sa ibang bansa upang masuportahan ang GF sa Pilipinas ngunit ipinagpalit sa iba



Age doesn’t matter.

Yan ang kasabihang lagi nating naririnig kapag malayo ang agwat ng edad ng dalawang taong nagmamahalan.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Kaya naman hindi dapat husgahan ang magkarelasyon kung malayo ang edad nila sa isa’t isa.

Samantala, isang 52-year-old na OFW sa California ang lumapit sa programang Raffy Tulfo In Action upang ireklamo ang kanyang girlfriend na niloko umano siya.

Si Ferdinand Gomez ay isang caregiver sa California, USA, kung saan dalawang trabaho ang kanyang pinapasukan. Aniya, 3-5 hours lang ang kanyang tulog sa araw-araw.

Sinusuportahan ni Ferdinand ang kanyang kasintahan dito sa Pilipinas ngunit napag-alaman niyang niloko na pala siya nito.

Inireklamo ni Ferdinand ang kanyang kasintahang si Innah Esmero mula sa Tagum City, Davao. 
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Kwento ni Ferdinand, nakilala niya si Innah sa Facebook. Matapos ang ilang linggong pag-uusap ay naging magkasintahan na silang dalawa. 

Noong magsimula umanong humingi ng pera si Innah kay Ferdinand ay kusa siyang nagbibigay dahil mahal niya ito at nangako siyang susuportahan niya ito.

Nagpapadala rin ng pera si Ferdinand kay Innah upang may ipanggastos sa kanyang pamilya at sa kanyang anak.

Nagpadala rin ang OFW ng balikbayan box na punong puno ng mga gamit para sa pamilya ni Innah katulad ng mga sapatos, 30 piraso ng Victoria Secret lingerie at marami pang iba.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Kwento ni Ferdinand, dalawang linggo bago s
iya dumulog kay Raffy Tulfo ay nagpadala siya ng P20,000 kay Innah dahil birthday ng anak nito.

Ayon sa kanya, umabot raw sa P312,000 ang perang naipadala niya kay Innah. 

Naging maganda ang kanilang pagsasama nang umuwi si Ferdinand dito sa Pilipinas ng isang buwan.
 Balak na rin daw nilang magpakasal kaya naman bumili na ng engagement ring at lupa ang OFW.

Ngunit nagbago ang lahat ng bigla na lamang daw sabihin ni Innah kay Ferdinand na mag move on na lamang siya. Blinock rin daw siya nito at ng kanyang buong pamilya sa Facebook.
Photo credit: Raffy Tulfo In Action
Photo credit: Raffy Tulfo In Action

Sa tulong ng pinsan ni Ferdinand na si Kris Chua, ginamit nila ang Facebook account ng kanyang anak at doon nila napag-alamang may iba na pala itong karelasyon.

Mahirap magtrabaho sa America,” sambit ni Ferdinand habang naiiyak-iyak ito.

Aniya, maging ang kanyang mga anak na edad 30, 27 at 25 ay hindi na raw siya kinakausap dahil kay Innah.

Panoorin ang buong video sa ibaba:



***