Bago si Annabelle Rama, sya raw ang babaeng labis na minahal ni Eddie Gutierrez na nagbunga pa ng isang supling - The Daily Sentry


Bago si Annabelle Rama, sya raw ang babaeng labis na minahal ni Eddie Gutierrez na nagbunga pa ng isang supling





Taong 1958 nang pasukin ni Eddie Gutierrez ang mundo ng Showbiz. Mula noon ay tinamasa na nya ang kasikatan o rurok ng tagumpay. Subalit kalakip ng kanyang pagsikat ay ang pagiging malapit rin nito sa maraming kababaihan sa industriyang kanyang kinabibilangan.


Marahil dulot na rin ng kanyang kagwapuhan at hindi matatawarang karisma, marami ang nabighani sa premyadong aktor. Ngunit sa huli, isang babae lang ang dinala ni Eddie sa altar para pakasalan, si Annabelle Rama. 



Sa isang interview, ibinahagi nila na si Annabelle ay dati lang raw avid fan ni Eddie. Sino ang mag-aakala na ang dating hamak na masugid na tagahanga lang ng sikat na aktor ay kalaunan, magiging maybahay nya? 



Anim ang naging bunga na kanilang pagmamahalan, at ang mga ito ay si Ruffa, Rocky, Elvis, Richard, Raymond and Ritchie Paul. Karamihan sa magkakapatid ay lumaki na rin sa mundo ng Showbiz, mana ang talento ng kanilang tatay. 



Subalit lingid sa kaalaman ng ilan, may isa pang babae na bumihag rin sa puso ni Eddie. Marami ang naging saksi sa kanilang pagmamahalan, at isa na dito ang namayapang singer-actress na si Amalia Fuentes, na isa rin sa mga naging leading lady noon sa mga pelikula ni Eddie, bukod pa kay Susan Roces at Pilita Corrales. 


Ayon kay Amalia, “Ang one true love ni Eddie (si Eddie pa mismo ang nagsabi) ay si Pilita Corrales”. 




Sambit naman ni Pilita Corrales sa isang ulat, “I loved him” (referring to Eddie Gutierrez).




Bago pa man magkrus ang landas ni Eddie at Annabelle ay nauna na si Pilita sa buhay ng aktor. Ang kanilang naunsyaming pag-ibig ay nagbunga ng isang supling na sumunod rin sa yapak ng kanyang ama sa pag-arte. Sya ay si Monching Gutierrez o mas kilala sa kanyang screen name na Ramon Christopher Gutierrez. Kaya naman ang magandang aktres na anak ni Monching at Lotlot De Leon na si Janine Gutierrez ay apo rin ni Eddie.  





Nagkaroon din ng anak si Eddie sa aktres na si Liza Lorena. Ito ay ang mahusay na aktor na si Tonton Gutierrez. 




Ano pa man ang totoo, si Eddie Gutierrez lang ang tunay na makapagsasabi kung sino nga ba talaga ang kanyang maituturing na kanyang “one true love”. 


Prominenteng angkan sa Showbiz ang pamilya Gutierrez. Maraming myembro kasi ng kanilang pamilya ang nasa industriyang ito. At tinitingala sila dahil sa kanilang dedikasyon at ambag na talento sa larangan ng pag-arte.