Japeth Aguilar, may ibibigay kay Rendon Labador kapag natalo niya si Marc Pingris sa basketball - The Daily Sentry


Japeth Aguilar, may ibibigay kay Rendon Labador kapag natalo niya si Marc Pingris sa basketball



Nagbigay ng pahayag ang Barangay Ginebra San Miguel player na si Japeth Aguilar patungkol sa napipintong 1-on-1 basketball nina retired PBA player at binansagang pinoy Sakuragi na si Marc Pingris at vlogger na si Rendon Labador.
Marc Pingris, Japeth Aguilar at Rendon Labador / Photo credit to the owner

Sa isang video ng PBA Motoclub, handa umanong ibigay ni Aguilar ang kanyang sariling bahay kung makakayang talunin ni Labador si Pingris sa basketball.

Malaki ang tiwala at kumpiyansa ni Aguilar at iba pang kasama nito sa PBA na malabong matalo ni Labador ang pinoy Sakuragi.

Anila, si Pingris ay itinuturing na legend sa larangan ng basketball dito sa Pilipinas.
Japeth Aquilar / Photo credit to the owner

Marc Pingris / Photo credit to the owner

Samantala, matindi naman ang paniniwala ni Labador na kayang kaya niyang talunin si Pingris. Tinawag pa niya itong ‘duwag’ dahil hindi na siya pinansin ng PBA legend.

Ayon kasi sa huling pahayag ni Pingris, ayaw niyang mayroong camera sa magiging 1-on-1 na laro nila ni Labador. Aniya, mas gusto niyang silang dalawa lamang ang nasa court.

“Huwag kayo magalit. Ako ‘yung hinamon, pumalag lang ako kasi hindi naman ako duwag sa basketball. Nanahimik ako dito,” ani Labador.
 Rendon Labador / Photo credit to the owner

“Dapat may camera para wasakan ng dangal, makita ng buong mundo sino pinakamalakas,” dagdag pa niya.
 Rendon Labador / Photo credit to the owner

Sa ngayon ay wala pang eksaktong sagot si Pingris kung papatulan ba niya ang hamon ni Labador.

Umaasa naman ang mga nasa likod ng Battle of the YouTubers na makukumbinsi nila si Pingris na pumayag na sa kagustuhan ni Labador.

Nagsimula ang isyu sa kanilang dalawa ng magcomment si Labador sa isang interview kay coach Chot Reyes pagkatapos ng Gilas Pilipinas vs Saudi Arabia.
Photo credit to the owner

Photo credit to the owner


***
Source: