Foreigner na kinakain ang mga tira-tirang pagkain ng mga customer sa mall; Pinakain ng isang netizen - The Daily Sentry


Foreigner na kinakain ang mga tira-tirang pagkain ng mga customer sa mall; Pinakain ng isang netizen



Ibinahagi ng isang netizen ang larawan ng foreigner na kinakain umano ang mga tira-tirang pagkain ng mga customer sa mall.
Photo credit: Shervan Anderson Aloria Cusio

Sa Facebook post ng netizen na si Shervan Anderson Aloria Cusio, ibinahagi nito ang larawan ng foreigner sa social media dahil naawa umano siya rito.

Mula sa Lungsod ng Bacolod ang nasabing mall. Ayon kay Shervan, nakita niya ang foreigner na naghihintay lamang ng mga natitirang pagkain ng mga customer sa food court.

Dahil dito, naawa si SherVan at binilhan niya ito ng pagkain.

“Nakita ko ni sa SM ang foreigner nadumduman ko c dad Anyway..nakita ko siya ga hulat matapos kaon ang iban na customer matapos kaon tapos ang left over gina kaon ya..So gin palapitan ko siya kag gin baklan pagkaon.. cguro gin ubos naman ni sang kasimanwa ta iya manggad haaayy cgeha niyo afam afam da ah..gin pamangkot yako are you filipino? Kita ko sa tsura ya nalipay cya kay nka kaon sa tsakto kag happy man ko kay na ubos ygd ang pagkaon ya,” pahayag niya sa kanyang Facebook post.

“Spread the Love!” dagdag pa niya.
Photo credit: Shervan Anderson Aloria Cusio

Marami namang netizens din ang nag-komento sa kanyang post.

“Sana matulungan yan ng government natin na makauwi sa kanila,” sabi ng isa.

“Good job SherVan, You’re Good Samaritan That’s your credit in heaven. May God bless you more. Keep up a good work for the lord!”

“Goodness in humanity,” komento pa ng isa.


***