Pari sa Isabela galit na itinaboy ang mga nagtitinda sa labas ng simbahan - The Daily Sentry

Monday, July 2, 2018



Pari sa Isabela galit na itinaboy ang mga nagtitinda sa labas ng simbahan




Photo compiled from Isoytv (Facebook Page)
Nakunan sa isang amateur video na kuha ng isa sa mga parokyano ng Our Lady of the Visitation National Shrine ng Gamu – Roxas Road, Guibang, Isabela ang pagmamalupit ng isang Pari sa mga nakapalibot na tindero at tindera sa labas mismo ng simbahan habang pinapalayas ang mga ito.

Nakilala ang kumuha ng video na si Bagunu Sr Rickson nang ma-ipost din niya ito sa kanyang Facebook account na umani naman ng mahigit tatlong daan (300) na reaksyon at naibahagi ng mahigit apat na libong (4,000) beses.

Ayon sa caption ng kanyang post, “yan po yung pari sa guibang na ngtapon ng paninda at ngmumura saaming mga vendors yung mga iba binatukan nya paanu maigagalang mga ganyang klaseng tao alagad pamandin ng simbahan. Father yearly nlng ganyan ginagawa nyo sa guibang...”


Screen shot photo from Isoytv (Facebook Page)
Hati naman ang opinyon ng mga nakibahaging Netizen ukol sa video. Tulad na lamang ni Marfie Asparela na “tlgang nagulat aq ng makita q ang pananakit ni father at xa plng ang father na nakita nmin na gumawa ng ganyan sa tao..,khit nasa gilid na ng daan nagawa pa niang manakit at dpa nakuntento kung mkpg mura wagas..,ano nman ang laban ng batang nasaktan mo father..,sa mga vendor pa sinisisi ang mga kalat..,love one another as i love you..”

Salungat naman sa palagay ni Arjane Argamosa na nagsasabing, “MGA OA..E SILA NA NGA MISMO NAGSABI NA TAON2X NALANG GINAGAWA NG PARE SAKANILA..E SILA TONG MAY KASALANAN KASI HINDI SILA SUMUSUNOD..TAON2X NA PALA GINAGAWA SAKANILA YAN PERO MAKUKULIT PARIN..TAPOS PAG GINAWAN SILA NG MASAMA TODO PANIRA E KUNG SILA E SUMUNOD AGAD HINDI NA MANGYAYARI YAN..MGA ASAR KASI UN MGA NAGTITINDA DYAN..SINABI NA BAWAL PERO PAULIT ULIT PARIN SILA NA NAGTITINDA S HARAPAN NG SIMBAHAN..

Tila punto por punto namang inilahad ni JB Santos sa kanyang kumento ang dahilan na nag – paunlak sa pari sa para ipagtabuyan ang mga naghahanap – buhay lamang sa labas ng simbahan. Aniya,

Katulad ng nakita ko sa video,

1. Hindi market place yun lugar. Simbahan po

2. Marumi ang paligid

3. Kulang sa disiplina ang tao

4. Pag pinagsabhan aangal kaya dapat lng batukan para matauhan.

5. Sya ang head ng simbahan, malamang sya ang unang magagali.

6. May care sya sainyo at sa paligid nya kaya nya yan gnwa.

7. TAMA LNG GNWA NI FATHER

8. TANGGAPIN NYO PAGKAKAMALI NYO WAG LNG IBATO SA IBA.

9. kung may reklamo lapitan at kausapin nyo sa oras na hindi na mainit ng tensyon.

10. Mag post sa fb pra makakuha ng simpatsa. Palibhasa mas madami nman kayong violations.

11. Kung makalat kyo sa bahay nyo wag kayong magkalat sa simbahan, malamang matuturuan tlga kayo ng leksyon

12. magsimba nman kac kayo pra matutu wag sa labas lng.

Panoorin ang video sa ibaba:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Isoytv (Facebook Page)