Mayor Isko to Pres. Duterte: "Isa Kayo sa Inspirasyon Ko sa Kung Ano Mang Klase ng Liderato na Meron Kami" - The Daily Sentry


Mayor Isko to Pres. Duterte: "Isa Kayo sa Inspirasyon Ko sa Kung Ano Mang Klase ng Liderato na Meron Kami"



Mayor Isko Moreno at Pangulong Rody Duterte
Sinabi kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang paghanga kay Mayor Isko Moreno. Ayon sa Pangulo, isang mahusay na lider si Moreno.

“Kaya, nanonood ako kung nagsasalita siya, mas mahusay siya kaysa sa akin, sa totoo lang. May nakita ako na mas mahusay ang resolve niya kaysa sa akin,” sabi ni Pangulong Duterte.

Mabilis namang nagbigay ng pasasalamat si Moreno sa Pangulo at sinabing isa sya sa kanyang inspirasyon kung anumang klase ng liderato meron si Isko ngayon.

"Thank you for the kind words Mr. President but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na meron kami," sabi ni Isko.


Basahin ang buong pahayag ni Mayor Isko Moreno:

"Thank you for the kind words Mr. President but to be really honest, isa po kayo sa mga naging inspirasyon ko sa kung ano mang klase ng liderato na meron kami.

Naalala ko po nung lage akong nagagawi sa Davao nung araw. Di naman po lingid sa kaalaman ng karamihan, lalong lalo na yung mga taga Maynila na ako po ay naninigarilyo. Pero pag nasa Davao City po ako, takot na takot po akong manigarilyo dahil alam kung huhulihin ako.

In fact there was one time, galing po kami ng Tagum pabalik ng Davao City. Medyo dis oras na ng gabi pero biglang bumagal po ang takbo ng sasakyan namin so tinanong namin yung driver kung bakit. Simple lang yung sagot nya. "Kasi po nasa Davao City na tayo. Kahit gabi ho dito, may pulis man o wala, sumusunod po kami sa batas trapiko."

So I think kung ano man ang nakikita nating pagpupursige ng mga alkalde sa buong Pilipinas, hindi lang po ako, ay reflection lamang ng klase ng liderato at Pangulo na meron tayo.

As I always say, it's not the severity of punishment itself but the certainty of getting caught that deters a person from committing a crime.

So we owe it to you Mr. President, for inspiring us and for becoming a good example to all of us."

Source: Manila Bulletin