Batang sinaktan umano ng Guro sa ulo dumanas ng pagsusuka, sakit ng ulo at lagnat: Hindi ka nararapat maging Guro - The Daily Sentry


Batang sinaktan umano ng Guro sa ulo dumanas ng pagsusuka, sakit ng ulo at lagnat: Hindi ka nararapat maging Guro



Larawan kuha mula sa post ni Yolly Tilar

Halos lahat ng mga magulang ay buong pusong ibinibigay ang kanilang tiwala sa mga Guro ng kanilang mga anak, at naniniwalang maayos at masigla ito mula sa pagpasok sa paaralan ganun din hanggang sa paglabas nito sa klase.

Viral ngayon at patuloy na pinag-uusapan ang isang bangungot na maituturing na karanasan ng isang pamilya ng batang di-umano ay napagbuhatan ng kamay ng kanyang guro.

Sa post na ibinahagi ni Yolly Tilar, ang Lola ng nasaktan na bata, malungkot niyang ikinuwento ang sinapit ng kanyang apo na paulit-ulit na pinalo ng kanyang guro.


Bigla nalang daw nagsusuka ang apo niya pagkauwi galing sa paaralan at dumadaing ng sobrang pananakit sa ulo at nilalagnat.

"Nakakalungkot na may mga guro na ganito mahilig manakit ng studyante nila," saad niya.

Larawan kuha mula sa post ni Yolly Tilar

"Maging babala sa lahat itong ginawa sa apo ko pinalo ng guro sa ulo. Pag uwi ng bata galing school ayan na nagsusuka at umiiyak na sa subrang sakit ng ulo at nilalagnat," 

Sa mga ibinahagi ding mga larawan mula sa naturang post ni Tilar ay makikita na ang bata ay matamlay habang nakasakay sa wheelchair at may mga larawan ding nagpapakita na ang bata ay isasalang sa isang CT Scan.


Hinaiing din ng Lola na kung bakit kelangang manakit ng guro sa kanyang apo, pwede naman daw siguro itong kausapin ng maayos, at kung talaga man ay may nagawang kasalanan ito bakit kelangang sa paluin sa ulo pwede naman sa puwet ng bata.

"Anong nangyari bakit pinalo sa ulo pwd naman sa puwet kung talagang may nagawang kasalanan ang bata o kaya pwd naman kausapin ng maayos hindi yong mananakit kayo kaagad at sa ulo pa, at hindi lang isang palo ginawa niyo tatlong ulit pa talaga,"

Larawan kuha mula sa post ni Yolly Tilar

Nagiging mainit na usapin kamakailan lamang ang mga isyung kinasasangkutan ng mga Guro at ng mga nagrereklamong magulang ng mga bata na sinasabing sinasaktan at pinapahiya sa klase.

Ito ang buong kwento ni Yolly Tilar: 

Nakakalungkot na may mga guro na ganito mahilig manakit ng studyante nila.

Maging babala sa lahat itong ginawa sa apo ko pinalo ng guro sa ulo. Pag uwi ng bata galing school ayan na nagsusuka at umiiyak na sa subrang sakit ng ulo at nilalagnat.


Ang nangyari, ngayon nag mamakaawa ka na patawarin kayo hindi dapat kayo na mamalo sa ulo dapat kung may nagawa man ang mga studyante niyo wag kayo mamalo sa ulo.

Anong nangyari bakit pinalo sa ulo pwd naman sa puwet kung talagang may nagawang kasalanan ang bata o kaya pwd naman kausapin ng maayos hindi yong mananakit kayo kaagad at sa ulo pa, at hindi lang isang palo ginawa niyo tatlong ulit pa talaga.. 

Wala kang awa na guro ka tapos iiyak kayo ngayon para maawa sayo ano drama lang sabihin libangan lang hindi ka nararapat na maging isang guro.ang magulang nga bawal ng manakit sa kanilang mga anak pero ikaw ang lakas ng loob mo?? 😢😢😢

Alam ko mabait na bata yang apo ko kasi inalagaan ko rin yan pag makulit ipapakita ko lang yong naka sabit na tatlong peraso ng walis ting2 alam niya na yan tahimik na yan sa isang tabi kaya madali lang yan pagsabihan sana tuluyan ka nang gumaling jc miss na kita.😘😢

***

Source: Yolly Tilar

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!