Anak nina Ryan at Judy Anne Agoncillo, posibleng maging isang Soccer Icon - The Daily Sentry


Anak nina Ryan at Judy Anne Agoncillo, posibleng maging isang Soccer Icon



Larawam mula kay Ryan Agoncillo/Instagram
Bawat bata sa mundo ay may kanya-kanyang potensyal sa ibat-ibang uri ng bagay. Minsan, eto ay nakikitaan ng potensyal sa larangan ng arts tulad ng musika, pag-awit, pag-sasayaw, at kalimitan pag ang bata ay may taglay na malakas na pangangatawan, nagkakaron ng potensyal sa sports o palakasam.

Sa mura nilang edad, napagandang pondasyon eto para mai-handa ang kanilang mga sarili sa kung ano man ang gusting pasukin ng mga eto. Di’ tulad ng iba, ang batang may mga magulang na kilalang personalidad sa lipunan ay may adbentahe sa larangan ng kahit ano. Bagamat madali din silang makilala, ganon din naman mas medaling masilayan ang kanilang potensyal.

Gaya na lang ng batang si  Lucho na anak nina Judy Anne Santos at Ryan Agoncillo, nakikitaan na nila eto ng potensyal na maging sports icon sa larangan ng soccer. Sa mura nyang edad, makikitaan eto ng potensyal dahil sa hilig neto sa nasabing laro. Gayon din naman ang suporta ng kanyang ama na kilala rin dahil sa pagiging isang mabuting tagabigay ng suporta.
Larawam mula kay Ryan Agoncillo/Instagram
Ayon sa pahayag ng isa ring actor na atleta, makikitaan ang bata ng isang magndang porma tuwing to ay naglalaro. Si Jericho Rosales ay isa ring atleta at isang beteranong actor na umani rin ng parangal sa kanyang career at siya ang nagpahayag na ang bata ay hindi masagwang tignan habang eto ay kumikilos o naglalaro.

Neto lamang na taon, sa pagdiriwang ng ika-7 kaarawan ni Lucho, talaga namang makikita ang suporta ng magulang ng nagregalo sila sa anak ng isang cake na may temang soccer. Eto ay isang malaking cake na halos kulay berde na hango sa berdeng damo ng isang soccer field.

Sino ba naman ang hindi matutuwang magulang kung ang isang anak ay may sinisintang isang bagay o passion sa larangan ng sports. Lalong natuwa naman ang dalawa (Judy at Ryan) dahil sa gusto ng anak nilang maging mas magaling pa at maging sports minded ang bata.
Larawam mula kay Ryan Agoncillo/Instagram
Bukod dito, nakikitaan din ni Ryan si Lucho ng matinding control sa kanyang emosyon kahit Manalo o matalo pa eto. Kung-baga, ang bata ay matalino sa pagdadala ng kanyang sarili.
Larawam mula kay Ryan Agoncillo/Instagram
Dahil na rin sa pagpupursige ng dalawang magasawang aktres at actor, naging isang mabuting bata ang kanilang anak sa kabila ng karangyaan sa buhay ng mga eto. Bukod pa dito, talaga namang may pinagmanahan ang bata; mahusay na, gwapo pa.

Source: Recovery Crate