The Daily Sentry: Entertainment
Showing posts with label Entertainment. Show all posts
Showing posts with label Entertainment. Show all posts

Julie San Jose, binatikos matapos magperform ng 'Dancing Queen' sa loob ng simbahan

12:58 AM



Usap-usapan ngayon sa social media ang viral performance ni Julie Anne San Jose habang kumakanta ito ng “Dancing Queen” sa harap ng altar ng isang simbahan sa Occidental Mindoro.


Ang nasabing performance ay bahagi ng isang concert for a cause na tinawag na Heavenly Harmony in Concert' (Harana para kay Maria) ng Nuestra Señora Del Pilar Shrine sa Mamburao, Occidental Mindoro.


Kabilang sa mga kinanta ni Julie Anne San Jose ay “The Climb” ni Miley Cyrus, “Edge of Glory” ni Lady Gaga at marami pang iba kabilang na ang ilang OPM songs.


Maraming mga natuwa lalo’t isa itong benefit concert pero marami rin naman ang nagtaas ng kilay lalo’t tila hindi yata angkop ang mga awiting kinanta ni San Jose para awitin sa loob ng simbahan na tila ba naging isang concert venue.


Nakalagay sa ticket ng nasabing concert na ang kikitaain ay mapapunta para sa improvement ng simbahan.


Narito ang full video:


Rendon Labador bumanat kay Carlos Yulo: 'Maliit ka na nga mayabang ka pa'

2:07 AM


Nagbigay ng isang payong kuya ang kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador kay 2-time Paris Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo.


Ayon kay Rendon:


"Naramdaman ko din yan bro, yung walang tao na gusto sumuporta sayo. INIWAN KO DIN ang pamilya ko katulad mo".


"Pero nagbagong buhay na ako ngayon at pilit kong itinama yung mga pagkakamali ko".


"Tandaan mo to bro 'Balewala ang mga medalya mo kung wala ka namang pamilya" itapon mo na lang yan kasi hindi bagay sa ugali mo".


"May oras ka pa para iwanan ang babaeng sisira sa buhay mo at bumalik sa babaeng nag bigay ng buhay sayo... ang nanay mo".


"Ayaw ko sana sabihin to, pero tingin kong deserve mo.. Huwag kang t*nga".


"Payong kuya lang yan. Magbago ka na hanggang may pagkakataon ka pa".


Sa isa pang post ay sinabi niya:


"Maliit ka na nga mayabang ka pa 🤦‍♂️ Dapat humble lang bro. Si Rendon Labador nga nag bago na, ikaw pa kaya?🤦‍♂️ Habang hindi pa huli ang lahat bro. Payong kuya lang ito.."

Gerald Anderson, nilinaw ang hindi pagsali sa politika: 'Buhay ng mga tao ang nakataya'

11:39 PM


Sa gitna ng mga usapan tungkol sa mga kilalang personalidad na nag-file ng kanilang kandidatura para sa 2025 elections, nilinaw ni aktor Gerald Anderson na hindi siya nagbabalak pumasok sa mundo ng politika. Kamakailan, sumikat siya dahil sa kanyang mga bayaning hakbangin noong bagyong Carina.


Sa isang panayam sa pagbubukas ng kanyang liga na “Got Game 3x3” sa Polytechnic University of the Philippines, sinabi ni Anderson na bagamat siya ay nakatuon sa pagtulong sa mga tao, hindi siya interesado sa pagpasok sa larangan ng politika.



“Nagagalak ako na nasa posisyon ako kung saan makakatulong ako. Nagagamit ko naman yung platform ko eh. May mga kaibigan ako sa politika, alam ko na napakahirap nito, at hindi ako basta lalapit sa isang bagay na hindi ko pinag-aralan o hindi ako handa, dahil buhay ng tao ang nakataya,” pahayag ni Anderson.


Simula pa noong bagyong Ondoy noong 2009, aktibong nakikilahok si Anderson sa mga pagsisikap na makapagbigay ng tulong sa mga naapektuhan ng kalamidad. Kamakailan, ang kanyang mabilis na pagkilos upang tulungan ang mga komunidad na sinalanta ng bagyong Carina ay nakakuha ng papuri sa social media.


Bilang karagdagan sa kanyang mga proyekto, nagsisilbi rin siyang auxiliary commander sa Philippine Coast Guard (PCG), kung saan siya ay ginawaran ng PCG Auxiliary Search and Rescue Medal at Ribbon dahil sa kanyang dedikasyon sa mga makatawid na layunin.


Sa kabila ng mga mungkahi mula sa ilan na pumasok siya sa politika, sinabi ni Anderson na nakatuon siya sa kanyang mga kasalukuyang proyekto, kabilang ang kanyang basketball league, ang “Got Game 3x3.” 


“Masaya ako. Yung mga teams na sumali, kalidad. Isa itong platform para sa mga basketball players natin,” dagdag niya.


Kasabay nito, naghahanda rin si Anderson para sa kanyang pagbabalik sa teleserye sa seryeng “Nobody,” na magiging isa na namang mahalagang hakbang sa kanyang karera.

Beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa galit kay Carlos Yulo: 'Turuan mo ang GF mo na igalang ang nanay mo'

7:46 AM



Sa isang video ay kitang-kita ang galit ng beteranang aktres na si Elizabeth Oropeza kay Olympic gold medalist Carlos Yulo tungkol sa issue nila ng kanyang ina na si Mrs. Angelica Yulo.


Narito ang mga mensahe ni Ms.Elizabeth sa video na kanyang ibinahagi sa kanyang social media account:


"Masyado ng matindi ang tabas ng dila ng batang ito,hindi kona kinaya."


"Hindi po ako sang ayon.wala po akong pakialam don s gf nya kung sino man yun.siya bilang anak hindi dapat nagtatrato ng magulang ng ganyan.kahit Anong sabihin Mali po yun."


"Yung pagtulong sa magulang ay hindi responsibilidad.ito po ay galing sa puso ng taong marunong magmahal sa kapwa.ki Nanay mo man o hindi.Pero lalo na kung Nanay mo."


"Kung mabuti kang tao, hindi ka magsasalita ng kung ano ano dun sa babaeng pinang galingan mo kaya ka nabuhay."


"Hindi po kasalanan ng Ina o ng anak na maging anak sila.Sila ang namili ng magulang nila.You Caloy marami kang di alam.Alam mo masyadong matigas na ang puso mo."


"Sino ba ang nagturo sayo nyan?.di ka naman siguro tinuruan ng Nanay mo ng ganyan.kahit ano pang kasalanan ng Nanay mo Nanay mo pa rin yan.kahit na gaano kasama ang Ina, Ina mo parin yan tatandaan nyo yan.kung nagkaroon ng kasalanan ang Nanay mo sayo so what?kailangan mo din bang maging bad?"


"Hihiyain mo yung mother mo tatawagin mong magnanakaw.Tandaan mo,your self galing sa Ina mo hanggang sa ma***tay ka.! kahit pa**y na ang Ina mo."


"Yan ang tutulong sa health mo yan ang reason kung bakit ang galing mong athlete Ta*ga!."


"Nasasaktan ako pag may batang nagsasalita ng ganyan.khit masama ang Ina kht bugaw ang Ina mo Ina mo pa rin yan.wg mong ssbhing hindi mo kasalanan na pinanganak ka.masakit para saakin yang ganyan kasi tuwing manganganak ang isang babae yung buhay nya ang isang paa ay nasa hukay na."


"Sabi nga Nanay ko pag naga*alit saakin mabuti pa sinak*l na kita ng maliit kapa.salita lng po yun pero ang ibig sbhn nun iniluwal ka nya at hindi mo rin pwedeng sbhin na pinabayaan ka.kaya ka nga naging athlete kaya nga ang lusog mo.kaya nga ganyan ang hitsura mo."


"Kung may puso kang tao kung may kasalanan man ang Nanay mo patawarin mo.Yung binabastos sa social media wag babalik at babalik yan sayo."


"Atsaka yung sinasabi tungkol sa pagdadala mo ng babae sa bahay kung saan ka nakatira kasama mga magulang mo ,obligasyon mo na sbhan yung babaeng dadalhin mo na magdamit ng maayos ."


"Ang unang dpat magpakita dun s gf ng pag galang sa Ina ay Ikaw.hindi nya igagalang Nanay mo kung hindi mo igagalang ang Nanay mo."


"Ngayon gold medalist ka pa nmn ibig sbhn wow macho ka galing mo pero talong talo ka ng syota mo.kayang kaya kang maempluence."


"Proud na proud ako nung nanalo ka.. so proud.Pero nung lumabas ung issue nyong mag ina tapos salita ka ng salita ng salita.Yung una palang n lumabas kau ng gf mo na nag video kau na nandun kau s kama nakapajama lng tpos ung gf mo ,Na shock na ko sabi ko ayy.. ito gold medalist pa nmn to tapos ung gf nya di mn lang sabihan, magbihis ng maayos.It's on you,yung gf mo what has she got to loose?You? A lot.."


"Di mo ba napansin?daming galit sau .basta kahit ganun kasama ang ina kahit ganun kalaki ang kasalanan Ina mo pa rin yun."


"Kung ayaw mo sa kanya, lumayo ka nlng.wag kana magsalita ng kung anu ano.bkit? Kasi babalik yan sau.yun lang..Hindi ako mgsasabi ng pasensya na kasi galing yan s dibdib ko at s pag iisip ko."


Narito ang full video:



Boy Abunda sa isyu ng pamilya Yulo: 'Walang pwedeng gawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad'

11:35 AM


 ‘MAG-USAP KAYO’


"Walang pwedeng gawin ang nanay ko na hindi ko mapapatawad. But that's me, and I will not impose that on anyone.”


Eto ang opinyon ni King of Talk Boy Abunda nang tanungin ang kanyang opinyon tungkol sa mag-inang Carlos Yulo at Angelica Yulo.


"Do I know the story of Carlos Yulo and the mom (Angelica Yulo)? I don't... I can only pray... na sana ngayon na maganda-ganda na ang buhay n'yo, mag-usap... maybe kailangang tumahimik muna?”, dagdag niya.


"I have to sit down with Mrs. Yulo to be able to understand as an interviewer, ngayon na sobra nang toxic, na sobra nang masalimuot itong kuwentong ito, kung isa lang ang makakausap mo, you exacerbate the problem e!


"I would be pretentious to say I'm not interested to do an interview with both of them. I'd 'love' to do an interview with 'both' of them.


"Yung agam-agam halimbawa ni Carlos na 'Would I actually do an interview with Boy Abunda who is [makananay]?' Valid yon! But at the same time, hindi naman.


"But I'd love to do an interview separately with the mother and... kahit si Chloe, I'm interested! I'm really interested—Ano e, teleserye material e!"


Narito ang buong video: