Claudine Barretto dinala sa ospital matapos awayin ni Marjorie sa burol ng kanilang ama - The Daily Sentry


Claudine Barretto dinala sa ospital matapos awayin ni Marjorie sa burol ng kanilang ama



Sa isang ulat ni Dexter Ganibe ng DZMM sa ABS-CBN News, isinugod umano ang aktres na si Claudine Barretto sa St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, nitong Huwebes ng gabi, October 17, 2019.
Claudine Barreto / Photo from MSN

Ayon sa ulat, nagkasakitan sina Claudine at ang kapatid na si Marjorie Barretto sa burol ng kanilang ama na si Miguel Barretto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.

Dagdag pa ng source, kasama rin daw sa nangyaring gulo ang anak ni Marjorie na si Julia Barretto.

Isang tauhan ni Gretchen Barretto na si Ruby Baguhin umano ang nagdala kay Claudine sa ospital.

May mga galos sa kamay si Claudine nang dalhin siya sa ospital at nakaramdam din daw siya ng pagkahilo. Wala si Gretchen Barretto nang maganap ang pag-aaway nina Marjorie at Claudine.

Ito ang pangalawang pagkakataon na nag-away ang magkakapatid na Barretto sa burol ng kanilang ama.
Claudine, Gretchen and Marjorie Barretto / Photo from Bandera

Noong Miyerkules ay si Gretchen naman umano ang inaway ni Marjorie at ng kanilang pamangkin na si Nicole (anak ni Jay-jay Barretto) sa harap ni Pangulong Rodrigo Duterte.

It was all so nice until Marjorie had a nervous breakdown,” ito ang sinabi ni Gretchen sa isang statement sa ABS-CBN News.

May mga nagsabing lalong lumalim ang iringan ng magkakapatid dahil hindi nagustuhan ni Marjorie ang pagpapadala nina Gretchen at Claudine ng bulaklak kay Bea Alonzo noong kainitan ng isyu tungkol sa rumored relationship nina Gerald Anderson at Julia Barretto.


***
Source: PEP, ABS-CBN News