Ganito ang Simpleng Pamumuhay ng Aktres na si Sylvia Sanchez bilang Isang Ina sa likod ng Camera - The Daily Sentry


Ganito ang Simpleng Pamumuhay ng Aktres na si Sylvia Sanchez bilang Isang Ina sa likod ng Camera



Larawang pinagsama mula sa Instagram/SylviaSanchez
Noong dekada '80, nagsimula na ang karera ni Sylvia Sanchez bilang artisa sa mundo ng showbiz at hanggang ngayon ay aktibo pa rin ito at patuloy na nagpapamalas ng kaniyang galing sa pag-arte.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Sa ngayon, mayroon siyang bagong teleserye sa ABS-CBN na mapapanood turing hapon bago ang TV Patrol at ito ay pinamagatang "Pamilya Ko."

Siya ay gaganap bilang Luzviminda Magbunga, isang ina na gagawin ang lahat ng kaniyang makakaya para sa kaniyang pamilya at mayroong walong anak na kailangan buhayin. Labis naman ang pasasalamat ni Sylvia dahil siya ay nagkaroon ng isang panibagong proyekto na magbibigay ng aral sa mga manonood.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Saad ni Sylvia,

“Sinabi ko talaga sa Diyos, ‘Thank you. Basta bigyan Mo lang ako ng role na makakapagbigay ng leksyon, ng aral sa lahat ng tao.”

Isa ring huwaran at masipag na ina si Sylvia sa kaniyang apat na anak sa asawang si Arturo Atayda sa likod ng mga camera. Sa mga kilos at galaw pa lang ng kaniyang mga anak, makikita kung gaano kadisiplina at karespeto ang mga ito.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Ang dalawang anak naman ni Sylvia na sina Arjo at Ria Atayde ay sumunod na dins a yapak ng kanilang ina at pinasok na din ang mundo ng showbiz. Habang ang dalawang anak naman na sina Gela at Xavi ay nagpopokus sa kanilang pag-aaral at walang masyadong interes na maging isang artista kagayang ina.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Masaya naman si Sylvia dahil sa unti-unting pagtupad ng kaniyang mga anak sa kanilang mga pangarap partikular na dahil sa magagandang komento na kaniyang naririnig sa mga nagiging katrabaho nina Arjo at Ria.

Sinagot niya din ang tanong sa kaniya kung ano ang paraan na kaniyang ginagawa sa pagpapanatili ng isang masaya at matatag na relasyon sa asawang si Arturo.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Sagot ng aktres,

“Nilaland(i) ko pa rin ‘yung asawa ko. Naglalambing pa rin ako. Nagbu-bullyhan kami sa lahat ng oras. Meron pa rin kaming bully-han, pikunan, inisan. ‘Yung para pa rin kaming mga bata, mga teenager.”

Pagbabahagi din ng aktres na palagi nilang inaayos na mag-asawa ang hindi pagkakaintindihan at sinisigurado din nilang dalawa na ang kanilang away ay hindi aabot ng kinabukasan, isang sikreto at rason kung bakit nagtatagal at nagiging matatag pa lalo ang relasyon ng dalawa.
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
Larawan mula sa Instagram/SylviaSanchez
“Ang ginagawa namin…lagi [naming] sinasabi na ayusin natin. Ako, lagi kong sinasabi ko sa asawa ko na, ‘Ako, I want to grow old with you.”

Source: Recovery Crate