Gretchen at Marjorie Barretto nagkagulo sa burol ng kanilang ama? - The Daily Sentry


Gretchen at Marjorie Barretto nagkagulo sa burol ng kanilang ama?



May nasagap na kwento ang PEP patungkol sa nangyaring pagdalaw ni Gretchen Barretto sa burol ng kanyang amang si Miguel Barrtetto sa Heritage Memorial Park, Taguig City.
Gretchen and Marjorie Barretto / Photo from Cosmo PH

Ayon sa kuwento, kaagad daw nag-react si Marjorie Barretto nang sinabi ni Claudine Barretto na darating ang kapatid nilang si Gretchen sa burol ng kanilang ama.

May mga sinasabi raw na bakit pa ito pupunta pagkatapos ng ginawa ni Gretchen sa pamilya nila.

May sinabi rin daw si Marjorie na sinira ni Gretchen ang buhay ng mga anak niya.

Nandoon rin sa burol si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa PEP, sabi ng napagtanungan nila ay nagwawala na raw si Marjorie sa kanilang family room, lalo na’t nagyakap na ang mag-inang Gretchen at Mommy Inday.
President Rodrigo Duterte and Gretchen Barretto / Photo from GMA Network

Dagdag pa sa kwento, lumapit pa raw si Pangulong Duterte kina Marjorie para kausapin sana ito at pag-ayusin silang magkakapatid. Pero bago pa raw nakatabi ang pangulo sa kanya, umalis na raw si Marjorie at umiwas na ito.
Marjorie Barretto / Photo from Fashion Pulis

Ilang sandali lang, lumapit daw ang pamangkin ni Gretchen na Nicole ang pangalan at sasampalin daw sana si Gretchen pero napigilan daw ito ng aktress at inawat agad sila.

Ngunit bago raw nailayo itong Nicole sa tiyahin niya, nahablot daw ni Gretchen ang buhok nito, kaya lalong lumala ang gulo.

Mabuti at nandoon pa ang Pangulo ng bansa, at naawat na raw ng PSG ang mga nag-aaway na magkakapamilya.

Meron pang dagdag na kuwentong sumigaw na raw si Julia Barretto, anak ni Marjorie, pero hindi lang ganun ka-sure ang source kung ano ang sinabi nito.

Sumigaw din daw ang isa pang anak ni Marjorie na si Leon na igalang man lang daw sana ang lolo niyang pinaglalamayan pa.

Si Nicole ay anak ng kapatid ni Gretchen na si Jay-jay.


***
Source: PEP