Kilalanin ang pinakamalapit na Kaibigan ni Liza Soberano na si Michelle Vito - The Daily Sentry


Kilalanin ang pinakamalapit na Kaibigan ni Liza Soberano na si Michelle Vito



Larawang pinagsama mula kay Michelle Vito/Instagram
Mayroong ilang mga artista sa industriya ng showbiz ang nagsasabi din na mahirap talagang makahanap ng isang totoong kaibigan na magiging isang mabuting impluwensya at sila din ay maghihilahan upang maabot ang tagumpay na kanilang nais na dalawa.

Ngunit marami pa rin sa kanila ang maswerteng nakakahanap ng kaibigan na talagan namang totoo, mapagkakatiwalaan, at kanilang makakasundo sa lahat ng bagay.

Si Liza Sobera ay sa isa na sa mga ito. Marahil alam nating lahat na si Michelle Vito ang kaniyang pinaka matalik na kaibigan sa showbiz industry.
Larawan mula kay Michelle Vito/Instagram
Lima hanggang anim na taon na ang nakalipas nang umere ang star magic circle kung saan nabuo ang pagkakaibigan ng dalawa. Sa bawat star magic ball, ang dalawa ay palaging magkasama sa iisang kwarto o rommates sa limang taon na kanilang pagdalo sa ball.
Larawan mula kay Michelle Vito/Instagram
Kilala si Michelle Vito sa kaniyang pagganap bilang Megan Mendez, isang kontra-bida sa sikat na teleserye na "Aryana" na kung saan ito ay pinagbidahan ni Ella Cruz.

Hindi maipagkakaila na si Michel ay maganda sa loob at panlabas na anyo katulad ng kaniyang kaibigan na si Liza. Ang kaniyang magandang mga larawan na kung saan ay madalas siyang nagmomo-del ng iba't ibang brand ng mga damit ay makikita sa kaniyang Instagram account.

Siya din ay tinawag bilang Snow White of the Philippines dahil na rin sa kaniyang mala porselanong balat.
Larawan mula kay Michelle Vito/Instagram
Si Liza at Michelle din ay madalas na nagbabahagi ng kanilang larawan sa kanilang mga Instagram account na makikita din kung gaano sila kalapit sa isa't isa at madalas pang ginagawa ang mga ginagawa ng mga matatalik na magkakaibigay kagay ng pagoovernight at panunuod ng mga palabas.

Natuwa naman ang mga netizens sa kanilang dalawa dahil mapapansin kung gaano katibay ang pagkakaibigan ng dalawa at kung gaano din sila kalapit at ang tibay ng kanilang koneksyon sa isa't isa.

Source: Recovery Crate