Milyun-milyong talent fee ni Mayor Isko sa pagmomodel, ibinigay niya ito sa mga batang may cancer sa PGH - The Daily Sentry


Milyun-milyong talent fee ni Mayor Isko sa pagmomodel, ibinigay niya ito sa mga batang may cancer sa PGH




Siguro, karamihan sa atin ay alam na si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ay kilala dahil sa kaniyang matigas na paninindigan laban sa mga negatibong isyu na kinakaharap ng syudad na kaniyang pinamumunuan. Ngunit, siya din ay mayroong mabuting puso, ito ay napatunayan na din dahil sa kaniyang donasyon na ibinigay sa PGH kamakailan lamang at ginamit niya din ang sariling pera na kaniyang kinita sa pagmo-model ng dalawang magkaibang brands.


Sa isang video clip, binahagi ni Mayor Isko ang isang magandang balita na kung saan sinabi niya na siya ay inalok na maging isa sa mga models ng dalawang magkaibang brands.

Inalukan siya ng JAG Jeans ng Php1 milyon para sa kaniyang pagmomodel. Ngunit, nang sinabi niya sa may-ari ng nasabing brand na ang pera na kaniyang makukuha ay ido-donate niya lahat sa PGH para na rin sa benepisyo ng mga bata, ang owner naman ay nagbitaw din ng pangako sa kaniya na sila ay magdo-donate ng Php1 milyon bukod pa ng sa kaniya para din sa mga bata sa PGH.

Ang IAM Coffee ng IAM World ay inalok din siyang maging modelo nila. Bunyag ni Mayor Isko, P3M ang ibinigay na talent fee sa kanya na kung saan ang kalahati nito na P1.5 milyon ay dinonate nya rin sa PGH.


"Yung IAM Coffee, ginawa din akong modelo. Binayaran ako ng P3 milyon. Tapos na kami magpictorial. Eto na po ang P1.5 milyon naka-address na po sa PGH," sabi ni Isko sabay pakita ng cheke.

Hinimok ni Mayor Isko ang taong bayan na tumulong sa sariling paraan at kahit anong halaga. Sinabi din niya na kung mayroon nga lang na pagkakataon na siya ay makakapag-donate ng maraming pera para sa mga batang may sakit sa PGH, ay handa siyang maging modelo ulit para sa mga ito.

Panoorin ang video dito: