Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez: "May katuwang na ako sa buhay" - The Daily Sentry


Vice Ganda finally admits relationship with Ion Perez: "May katuwang na ako sa buhay"



Sa 10th anniversary ng programang “It’s Showtime” ng ABS-CBN kahapon, inamin na ni Vice Ganda sa harap ng madlang people ang tunay na relasyon nila ni Ion Perez.
Vice Gand and Ion Perez / Photo from PEP

Inamin ni Vice ang kanilang relasyon ni Ion pagkatapos ng performance ng kanyang grupo sa segment na “Magpasikat.”

Idinaan ni Vice ang kanyang mensahe sa isang hugot patungkol sa kanyang pag-iisa sa buhay.  Ito’y dahil wala nga siyang ka-tandem na host para sa kanyang “Magpasikat” performance.



Aniya, palagi niyang nababanggit na kaya niyang mag-isa pero sa totoo lang daw, hindi niya magagawa ang lahat ng ipinakita niya sa madlang people kung wala siyang kasama.
 Vice Ganda and Ion Perez / Screencap from It's Showtime

 Vice Ganda and Ion Perez / Screencap from It's Showtime

“Mahirap sa buhay na maramdaman mong mag-isa ka at pinipilit mong kumbinsihin yung sarili mo na kaya mo mag-isa.. In reality, sa totoong buhay, hindi po natin kayang mag-isa. Kailangan natin ng katulong. Maaaring pamilya o ang Panginoon, pero kailangan natin ng tulong. Hindi tayo puwedeng mag-isa.”

Dito na sinabi ni Vice na hindi na siya nag-iisa ngayon dahil may kasama na siyang humarap sa mga pagsubok sa buhay.

“At itong puntong ito, ang sarap-sarap sa pakiramdam na naramdaman kong hindi ako nag-iisa. Kasi, for so many years, for so many times in the past, I felt I was all alone.”

“At itong pangsampung taon ng Showtime, ang suwerte ko kasi hindi na ako nag-iisa. Meron na akong katuwang sa buhay.”
 Vice Ganda and Ion Perez / Screencap from It's Showtime
Vice Ganda and Ion Perez / Photo from Philippine News Feed

Nagsigawan at nagpalakpakan naman ang mga audience ng Resorts World Manila kung saan ginanap ang 10th anniversary special ng Showtime.

Bigla namang humirit ang co-host niya sa programa na si Anne Curtis ng, “Sino yun?! 

Sagot ni Vice, “I’m so happy. Hindi ko makakalimutan itong tenth year ng Showtime. Kasi dito sa 10th year, nakatagpo ako talaga na sinabi ko, you don’t need to be loved by the whole world, you only need yourself and one person that you love to accept and love you back. And meron na ako noon.”

Singit naman ni Vhong Navarro, “Asan ba yun? 



At saka itinuro ni Vice si Ion na nasa bandang likuran ng stage. Tinawag ng mga co-host ng show ang binata para tabihan si Vice na tila naluluha na. Hinalikan agad ni Ion si Vice sa pisngi.

Hiningan ng mensahe ang binata tungkol sa pag-amin ni Vice.

Wala, kasi yun nga ang lagi kong sinasabi ko sa kanya, siguro minahal ko sa kanya yung nakikita niyo sa kanya. Siguro bonus lang na naging Vice Ganda, pero yun talaga yung minahal ko – si Tutuy.”

"Tutuy" ang palayaw ni Vice sa kanyang pamilya at mga taong malapit sa kanya.


***