Nagkabalikan na nga ba si King Badger at Jelai Andres? - The Daily Sentry


Nagkabalikan na nga ba si King Badger at Jelai Andres?



Larawang pinagsama mula sa Facebook
Ilang buwan na rin ang nakalipas matapos ang naging kontrobersyal ang paghihiwalay dahil sa cheating issue ng isa sa mga sikat na Pinoy rapper at miyembro ng hip-hop group na Ex Battalion na si King Badger at ang kaniyang dating asawa na isang model at actress na si Jelai Andres ay muling nagkaroon ng isang reunion.

Ito ay nangyari na ang YouTube vlogger na si Zeinab Harake ay nagkaroon ng Meet and Greet nang magpakita si King Badger o Jon Guttierez para sa muling pagsasama nila ni Jelai. Ang dating mag-asawa ay nagbiro pa sa isa't isa na kung saan nagpasaya sa mga JoLai fans.

Ang mga video clip din ng momentum ng dalawa ay kaagad na in-upload sa social media kung saan maraming mga netizens ang naisip na maaaring ang dalawa ay muli ng ibabalik ang nasirang relasyon.

Ngunit, si Jelai at Jon ay nagpahayag sa kanila social media accounts para ipahayag at linawin ang tunay na estado ng kanilang relasyon.

Ayon kay Jelai, silang dalawa ay civil lang sa isa't isa at wala ding plano na magkabalikan. Aniya,
Larawan mula sa Facebook
“Mi loves, hindi po nagkabalikan ang JoLai. We are cool po, ok kami pero sa ngayon wala pa talagang comeback. Title lang [ng] mga nag-popost yan syempre para iview niyo mga post nila. Clickbait.”
[“My loves, JoLai is not getting back together. We are cool, we’re okay, but right now there is no comeback. That’s just the title of whoever’s posting the video because they want you to view their posts. It’s clickbait.”]

Nilinaw din ni Jon ang spekulasyon ng mga netizens, ngunit sinabi niya na siya ay umaasa sa ganoong posibilidad.

Ayon kay Jon,

“Wala pa pong ganun. Pero sana may ganun… Pero at least namiss din niya ako ‘di ba?”
[“There’s no comeback. But I wish there was. But at least she missed me, right?”]
Larawan mula sa Facebook
Si Jelai at Jon ay nagpakasal noong 2018. Ngunit, ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa ay nagkaroon ng isang mapait at masakit na ending matapos mag-post ni Jelai ng kaniyang emosyonal na video na kung saan inaakusan niya si Jon sa panloloko nito sa kaniya at sa naging third party na si Toni Fowler. Kahit na hindi nagbigay ng pahayag si Jon sa issue, siya ay gumawa naman ng isang music video kung saan siya ay nanghihingi ng kapatawaran sa kaniyang ginawa kay Jelai.

Source: When in Manila