Ramon Ang nagsalita na ukol sa balitang nagkaroon umano sila ng relasyon ni Julia Barretto - The Daily Sentry


Ramon Ang nagsalita na ukol sa balitang nagkaroon umano sila ng relasyon ni Julia Barretto



Inalmahan ng business tycoon na si Ramon S. Ang, 65, ang lumabas na bali­tang may relasyon umano siya sa 22-anyos na aktres na si Julia Barretto.
Ramon Ang and Julia Barretto / Photo from Bilyonaryo

Sinabi ni Ang na masyadong malisyoso ang usap-usapang ito hinggil sa relasyon umano niya sa anak ni Marjorie Barreto.

Ayon pa sa President at CEO ng San Miguel Corporation, wala raw katotohanan ang balitang ito dahil hindi niya personal na kakilala si Julia, at sa edad nito ay maituturing na parang apo na lamang daw niya ang Kapamilya star.

Never ko pa po nakilala si Julia Barreto. Nakita niyo naman po ang edad niya, parang apo ko na. Kaya ito pong mga istorya na ito ay ‘malicious.’"
Ramon Ang and Julia Barretto / Photo from PEP PH

Hindi na raw dapat umano pinapansin ang mga ganitong klase ng balita dahil wala naman raw itong magandang naitutulong sa sambayanan.

Huwag na po natin pagbig­yan ng pansin, at mas marami pa po tayong kailangan gawin para mapabuti ang bansa natin.

Hindi naman daw imposible na maging kaibigan ng kanyang mga apo si Julia balang-araw.

Siguro, paglaki pa ng kaunti ng mga sarili kong apo, puwede silang maging magkakaibigan.”

Sa balitang lumabas sa isang pahayagan, binanggit dito na nilako daw ni Marjorie ang anak niyan­g si Julia sa negosyante at binilhan ng bahay.
Marjorie Barretto, Atong Ang and Nicole Barretto / Photo from PEP

Lumabas ang balita sa gitna ng isyung namamagitan sa negosyanteng si Charlie ‘Atong’ Ang sa magkapatid na Gretchen at Claudine Barreto at sa pamangkin nilang si Nicole.

Sa isang exclusive interview naman kay Marjorie Barretto sa TV Patrol, mariin niyang itinanggi ang kumakalat na balitang inilalako raw niya ang kanyang mga anak na babae sa mayayamang negosyante.

I would like to address this to everybody: My children are not for sale. I don’t even have very much wealthy friends to sell my children to. My children work very, very hard. My youngest daughter is a good student in college in Ateneo. Matitino po ang mga anak ko,” mariing sabi ni Marjorie.


***
Source: PEP