Shaina Magdayao nag-react sa kumakalat na balitang pumanaw na siya - The Daily Sentry


Shaina Magdayao nag-react sa kumakalat na balitang pumanaw na siya



Nag-react na ang aktres na si Shaina Magdayao patungkol sa kumakalat na balitang pumanaw na umano siya.
Shaina Magdayao / Photo from PEP 

Ayon sa naglabasang fake news, “dead on arrival” raw umano ang aktres sa ospital dahil sa kanyang sakit na hyperthyroidism.

Sa kanyang Instagram, binasag ni Shaina ang matagal na pananahimik ng kanyang social media account. Nagpost ito ng kanyang mga larawan na may lamang caption patungkol sa kanyang nalalapit na 30th birthday.

“Im baaaccckkk! Or should I say, I’m A L I I I I VE,” ani Shaina na tila inaasar ang fake news na siya ay pumanaw na.

And oh so ready for SCORP SEASON and my 30th!!!” dagdag nito.
Photo from Shaina Magdayao's Instagram account

Ayon sa Facebook, na-flagged na nila ang 51 links na nagkalat ng fake news na ito at nalaman nilang galing ito sa 7 orihinal na websites: balitang247.pepetv.info, cnnworld.patrol-news.com, gmanews.balitng247tv.info, gmanewsnetwork.pepetv.info, manila.tv-patrol.com, phbalita.hetongbago.com, and thetrue.i-witnesstv.com.
Photo from When In Manila

Kamakailan lamang ay ang anak ni Mr. Pure Energy, Gary Valenciano, na si Gab ang nabiktima ng ganitong klase ng fake news.

Taong 2017 naman nang unang aminin ni Shaina sa publiko ang kanyang sakit na hyperthyroidism. Noong June 2019 naman ay sinabi ng aktres na maganda na ang kanyang kalagayan.


***