Mayor Isko Moreno binuksan na ang pinakamalaking libreng dialysis center sa Pilipinas - The Daily Sentry


Mayor Isko Moreno binuksan na ang pinakamalaking libreng dialysis center sa Pilipinas



Mayor Isko Moreno binuksan na ang pinakamalaking libreng dialysis center sa Pilipinas
Kamakailan lamang ay inumpisan ng Mayor ng Metro Manila na si Isko Moreno ang pagbubukas ng pinakamalaking libreng dialysis center sa Pilipinas at maaari din itong magbukas sa buong Asia-Pacific region sa mismong kaarawan ng Mayor sa Huwebes.

Ang Flora Valisno Siojo Dialysis Center ay sinasabing ipinangalan sa lola ng dating Mayor na si Allfredo Lim, na um-attend din sa nasabing pangyayari.


Sinabi ni Mayor Isko na nais niya na ang mga nakatira sa Manila ay maaalala ang kanilang dating Mayor na siyang humawak ng syudad sa loob ng labindalawang taon kung kaya niya napagdesisyunan na ipangalan sa lola ni Lim ang nasabing dialysis center.

Saad ng Manila Mayor,

 ‘Isa itong maliit na pagkilala sa 12 taong serbisyo ni Mayor Lim sa Maynila. Makikilala ngayon itong ‘Siojo Dialysis Center’ bilang pinakamalaki sa Pilipinas.’

Binahagi din ni Mayor Isko na magkakaroon ng mahigit sa 100 dialysis machines ang nasabing building kung saan ito ay mas malaki kumpara sa National Kidney Institute.

Sinabi din niya na uunahin nila ang mahihirap na tao na gagamit ng nasabing dialysis machines ng libre at walang bayad kung saan ito ay nagkakahalaga ng nasa P4,000 hanggang P2,000 bawat session.


Sa kabilang banda naman ay puno ng pasasalamat si Lim sa naging desisyon ni Moreno at sinabi din niya na maaaring maging magaling na Presidente ang Mayor sa hinaharap.

Aniya,

“Tiyak na tiyak, magiging Pangulo (siya), dahil sa ngayon wala naman tayong nakikita na maaring maging Pangulo ng bansa, sa ngayon… ewan ko yung iba, baka hindi pa pinapanganak, sigurado na si President Isko ang magiging Pangulo natin.”

Dagdag pa niya,

“Pero ang masakit non, baka nasa sementeryo na ako non, hindi na ko pwedeng pumalakpak, pero alam niya na pinagdarasal ko ang kanyang tagumpay.”

Si Mayor Isko naman ay nakangiti lamang habang siya ay nakikinig sa mga papuring sinasambit sa kaniya ni Lim.