Tambalang Marvin at Jolina, Muling Sinariwa, Mga Fans Kinilig - The Daily Sentry


Tambalang Marvin at Jolina, Muling Sinariwa, Mga Fans Kinilig



Larawang pinagsama mula kay Marvin Agustin/Instagram
Ang dating tambalang Marvin at Jolina ay nagpakilig sa halos milyon-milyong Pilipino noong dekada 90’s. Mula sa kanilang tambalan sa TC, halos nagawan eto ng mga pelikula na maituturing nating isa sa pinakapatok sa takilya. Gayon pa man, ang dalawang pagsasama na eto ay matatawag nating love team ng dekada bago pa man nagsisulputan ang iba pa. Pero sa panahon ngayong napakarami ng nagsisisulputan na love team, nasaan na kaya etong dalawa? Anon a kaya ang balita sa kanila?

Sa pag post ni Marvin Agustin ng larawan nila ni Jolina, parang bumalik ang dating panahon na kung saan kinikilig pa rin ang mga manunood at fans sa kanilang pagsasamahan. Sa larawan na nai-post nya, makikitang kasama pa di-umano ni Jolina ang kanilang anak ni Mark Escueta na kasalukuyang myembro ng isang sikat na OPM band, ang Rivermaya.
Larawan mula kay Marvin Agustin/Instagram
“Ang saya natin, Labtim! Pero si Pele, may sinasabi, ‘Lagot ka sa tatay ko!’” – eto ang caption ni Marvin sa kanyang post kasama ang larawan.
Larawan mula sa ABS-CBN
Sa mga nakasaksing kinilig dito, tila parang kahapon lang eto naging ngyari sa kadahilanang hindi talga nila maiwasang kiligin.

Sa isang social media, isang netizens naman ang nag komento tungkol sa kanila dahil sa eto pala ay talagang fans ng tambalang Marvin at Jolina - Ako lang ba talaga ang paulit-ulit nanood ng mga movie nila ni @marvinagustin at @mariajolina_ig, ‘yong tipong mauubos lang ang data ko sa kakapanood. But worth it talaga. Sobrang na-melt heart ko ngayon nakita ko ‘tong pic na ‘to. Imagine ko gan’to sana family n’yo kung kayo nagkatuluyan,”  - @jewgealogo.

Bukod din dito para walang issue, nagsabi na rin ang dating actor na si Marvin sa asawa ni Jolina’ng si Mark na kumuha lang siya ng larawan ng aktres kasama ang kanilang mga anak kaya walang dapat ikabahala.
Larawan mula kay Marvin Agustin/Instagram
“@markescueta nag-picture lang naman kami…pero si Vika beautiful mas excited sa Picxel n’ya,” – pahayag ni Marvin.

Naipahayag naman ng director na si Dan Villegas - “Coming soon from @proj8corsanjoaquin. It’s Bujoy and Ned! #lagingtapat #ohyes #bestfriendmolangako #buhaypelikula @marvinagustin @mariajolina_ig @tonetjadaone @reignannedeguzman @bibethorteza.”
Larawan mula kay Jolina Magdangal/Instagram
Noong 1998, isang pelikulang sumikat na kanilang ginampanan bilang Ned at Bujoy na pinamagatang “Labs kita, Okay ka lang?”  na kung saan nagbigay si Jolina ng suhestyon na dugtongan ang nasabing pelikula.

“Either co-prod or talagang hands on kami do’n sa project, do’n sa istorya, sa lahat. Basta gusto namin something na konektado sa Labs Kita, Okay Ka Lang?”
– ani pa ni Jolina.

Source: Recovery Crate