Annabelle Rama to Morissette: “Hindi ka pa sikat, bruha ka!” - The Daily Sentry


Annabelle Rama to Morissette: “Hindi ka pa sikat, bruha ka!”




Galit na nagkomento ang dalawang sikat na personalidad na si Annabelle Rama at Daisy Romualdez patungkol sa inasal ng singer na si Morissette Amon sa birthday concert ng talent ni Jobert Sucaldito na si Kiel Alo.

Si Daisy Romualdez ay artistang sumikat noong dekada singkwenta at si Annabelle Rama naman ay ang aktres na napangasawa ng aktor na si Eddie Gutierrez.

Nakapanayam ng ilang press ang dalawa matapos ang concert. Doon ay walang takot na binanatan ng dalawa ang Kapamilya artist at nagpakawala ng maaanghang na salita laban kay Amon.

Narito ang kanilang mga patutsada sa singer na nagwalk-out:

“Unang-una, hindi ako natataranta sa boses niya dahil tili siya nang tili, ayaw ko ng mga singer na tili nang tili.

“Wala siyang lugar dito sa showbiz kasi ang ugali ng singer ay hindi ganyan, o kaya artista.

“Problema? Ang problema iwanan mo sa bahay, kumanta ka.

“Yung mga tao dito bumili ng ticket, nakakahiya.

“Inaasahan na kakanta ka, 'tapos konting problema lang, lumayas ka.”

“Umuwi na siya sa Cebu at manahimik ka na, Morissette.

"Hindi ka pa ganun kasikat. Ano ka, si Sarah Geronimo?”

Naitanong din kay Daisy ang interview ni Mario Dumaual na nakasakit umano sa damdamin ni Morissette.

Buwelta ni Daisy, “So? If you are an artist or a singer, you have to be one.

"Hindi ka kailangang ganyang-ganyang arte-arte mo.

“Wala kang lugar sa ano na ito.

“Producer din ako, nagbebenta din ako ng ticket.

“Papa'no naman yung mga binentahan ko na sasabihin ko, ‘Andiyan si Morissette, maggi-guest,’ ganyan, 'Kakanta.'

"'Tapos hindi ka dadating. Kakahiya ka!

“Umuwi kang Cebu.”

Samantala, kinontra ni Annabelle ang sinabi ni Daisy na “hindi ka pa ganun kasikat” 'tulad ng Popstar Royalty na si Sarah.

Ika nya, “Walang ganun, Daisy, Daisy...

“Huwag kang magsasabing ‘Hindi ka ganun kasikat.’

“Hindi ka pa sikat, bruha ka!”

Warning nya kay Morissette, “Huwag mong gawin sa akin 'yan, ‘Day, sa stage pa lang kakaladkarin na kita.”

Parehong concert producer ang dalawa kung kaya ganun na lamang ang kanilang pagka-inis sa young singer. 

Pagpapasalamat ni Annabelle, mabuti na lamang daw ay hindi pa nangyari sa kanya ang ginawa ni Amon kay Sucaldito na syang nag-produce ng concert.

“Sa awa ng Diyos, ten years na akong nag-produce ng concert, mga sikat lahat, ha, wala pang nangyaring ganyan sa akin.

“Hindi naman niya ka-level yung aking mga pinu-produce.”

Sa mga nagsabing baka raw iniingatan lang ni Morissette ang kanyang boses kaya hindi ito tumuloy sa pagkanta, sagot ni Annabelle: “Huwag na siyang mag-singer, arte-arte niya, buwisit siya!

“Uminom siyang luya, tanggal 'yang ano sa boses niya.

“Mag-luya kamo siya.”

Inilahad din ni Annabelle ang kanyang suporta noon kay Amon sa Star Factor ng TV5 noong 2010 kung saan isa sya sa mga hurado.

Sambit nya, sya lamang ang sumusuportang judge noon kay Amon dahil ang iba ay hindi sya umano ibinuboto. 

Banggit niya, “Nung nag-join siya sa Star Factor, ako lang ang bumuboto sa kanya.

“Lahat ng ibang judge, ayaw siyang iboto. Ako lang bumilib sa kanya.

"Andito ako ngayon, gusto ko sanang pakinggan kung magaling talaga siya. I’m planning to get her.

"Ngayon, forget. Nakakahiya siya.”

Mensahe nya kay Morissette, “Tama si Daisy, umuwi kang Cebu, ‘Day, magpahinga ka na dun.

“Magtinda ka dun ng mga isda tsaka saging.

“Hindi na ‘yan sisikat, bagsak na ‘yan.

“Unang-una, na-in love sa lalaki niya.

“Pangalawa, lumalaban sa tatay niya.

“Ang isang singer, lumalaki ang ulo, kinakalaban ang parents, patay ka na, ‘Day.

"Goodbye Morissette, karmahin ka sana sa tatay mo.”
Matatandaang may alitan si Morissette at ang kanyang ama na si Amay Amon dahil umano sa pag-iwan ni Amon sa kanyang pamilya para sumama sa boyfriend na si Dave Lamar.

Panuorin:

Source: PEP