The Daily Sentry: Showbiz
Showing posts with label Showbiz. Show all posts
Showing posts with label Showbiz. Show all posts

Vietnamese na nadawit sa hiwalayang Daniel at Kathryn, nagsalit na

12:40 AM
Sa kanyang Instagram, nagbigay ng kanyang pahayag ang Vietnamese non-showbiz girl na nadawit sa kontrobersyal na hiwalayan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
Photo credit to the owner

Nagpakilala ang Vietnamese na si Min Phuong o Emma na itinuturo ng ilang netizens na nakarelasyon ni Daniel noong 2023.

Sa kanyang post ay mariin niyang itinanggi ang akusasyong may relasyon sila ni Daniel.

Ayon kay Emma, nagbago ang takbo ng kanyang buhay simula ng madawit ang kanyang pangalan sa hiwalayan ng KathNiel. Aniya, samu’t saring mensahe ang kanyang natatanggap sa kanyang social media accounts.

Hinala niya, nagsimula siyang idamay sa hiwalayan nina Daniel at Kathryn makaraang ma-meet niya nang personal ang Kapamilya actor nang minsang magbakasyon ito sa Vietnam kasama ang ilang mga kaibigan.

Kuwento ni Emma, nangyari ang unang pagkikita nila ni Daniel nang magpunta ito sa bar ng kanyang kuya sa Vietnam noong nakaraang taon.

Bilang kilala niyang sikat na aktor si Daniel sa Pilipinas, nilapitan daw ni Emma ang grupo ni Daniel para bumati sa aktor.

Sa kanyang Instagram, mababasa ang pahayag ni Emma.

“Hello, my name is Minh Phuong (Emma) Since last year, I have received a lot of messages from fans and supporters of Daniel Padilla, a famous actor in the Philippines.

It is known that Daniel visited Vietnam last year with his friends. Prior to his visit in my country, I have never met him.

My brother (anh: kuya) owns the bar that Daniel went to. My brother told me that Daniel is there and I can say Hi to him because I know he is a famous actor.

I saw Daniel and his friends in the bar, exchanged a few words, and then I went back home with my sister. That is the end of my interaction with him."

Itinanggi rin ni Emma na konektado siya sa isang Instagram user na may pangalang "Johnnymoonlightz,” na panay ang pagla-like sa kanyang mga post.
Photo credit to the owner

Ayon kasi sa ilang netizens, si "Johnnymoonlightz" ay dummy account ni Daniel.

"I know you guys love and appreciate your idol. I also feel the same to the artists I support, but please be civilized and polite.

Please be a cultured person. You guys have threatened my life and my job, sent messages and spammed my family and friends.

This is something I would not wish to happen to anyone.

A lot of you guys think that I am someone important, but I want to ask the question: are you accusing me with no proof and all speculations?

To be clear, I do not know who Johnnymoonlightz is, and I do not care who he is either."

Nakiusap rin si Emma na tigilan na ang pamba-bash sa kanya dahil wala namang katotohanan ang mga ibinibintang sa kanya.

"I am a common Vietnamese citizen. I work, hang out with my friends, meet people, and live my life normally. I hope you maintain dignity and respect when coming to my social media, and please do not act without thinking."


***
Source: PEP

Dekada 90 sexy star na si Sabrina M, inilantad na siya ang huling nakarelasyon ni Rico Yan at hindi si Claudine Barretto!

1:00 AM
Ikinagulat ng mga tagahanga ng yuamong matinee idol na si Rico Yan ang matinding rebelasyon mula sa dating bold star na si Sabrina M sa isang presscon sa unang pagkakataon.

Hindi makapaniwala ang mga netizens sa ibinunyag ng aktres dahil sa tagal ng panahon ay ngayon niya lamang isinapubliko ito.




Hindi si Claudine Barretto kundi siya daw ang huling naka-relasyon ni Rico. Ang tambalang minahal at kinakiligan ng maraming mga tagahanga ay tila nabulabog sa balitang ito.

"Ang image ni Rico Yan is wholesome. Ako nagpapasexy ako nuon sa movies. So kung nagka-issue kaming dalawa, maraming masasabi sa akin. So better kung nagkaroon kami ng relasyon, itinago na lang namin 'yon." Paliwanag ng sexy actress kaya daw nanatili silang tahimik tungkol sa kanilang relasyon.

Paglalarawan pa nito, "Napakabait ni Rico Yan. After Claudine naging kami ni Rico Yan. Matagal kaming nagkarelasyon, Taon! Noong nag-uumpisa na yung tsismis sa akin, dinudurog na agad ako. Rico Yan yan, eh!"

Dahil sa kanyang imahe ay puro pambabatikos daw ang natatanggap nito noon ngunit palagi naman daw siyang ipinapagtanggol na yumaong matinee idol.

Iginiit nito na siya ang huling karelasyon nito hanggang sa mga huling sandali ng batang aktor.

Sa katunayan ay alam daw ito ng kapatid ni Rico na si Bobby Yan.

"Hindi madalas pero dumadalaw ako.(sa puntod) Nanduon ako ng burol at libing. Inabutan pa ako ni Bobby Yan ng bulaklak para ibigay kay Rico. Alam ni Bobby na naging kami. We're discreet. Secret.

"Nagpupunta siya sa bahay at minsan naman nagpupunta ako sa condo niya. Minsan sa resort. Kilala rin ako noon at Rico Yan na siya. More than two years kami."

Ayon pa rito ay hindi ito linggid sa kaalaman ni Claudine, "Alam po ni Claudine na naging kami, pero never pa namin pinagusapan po."

"Wala namang problem kasi noong naging kami, wala na sila ni Claudine. Hindi ko naman inagaw si Rico sa kanya noong sila pa. Nagkaroon sila ng movie na 'Got To Believe' pero wala na sila nu'n. Kmai na nu'n at alam ko meron na ring iba si Claudine noon."


Samu't sari ang reaksyon ukol sa paglalantad na ito ni Sabrina M. Ito nga ba ay isa lamang paraan para siya'y mapagusapan at makilala o isang katotohanang hindi na mapapatunayan pa ni Rico Yan na matagal ng namayapa.

Wow! Ganito pala kayaman si 'Bossing' Vic Sotto. Pwede ng magretiro sa Eat Bulaga!

12:58 AM
Si Marvic 'Vic' Castelo Sotto na binansagang 'Bossing' ay itinuturing ng isang legend at institusyon sa industriya. Pagdating sa pagpapatawa at pagho-host ay kung hindi pinaka ay isa sa mga iniidolo ang primyadong aktor na ito mula noon hanggan ngayon.

Kaya naman sa haba ng pananatili nito sa pelikula at telebisyon ay hindi na nakapagtataka kung nasaang estado man siya ngayon.




Kabilang sa Top 10 Richest Pinoy Celebrity si Bossing at ayon sa mga ulat ay mayroon itong kabuuang yaman na aabot sa 150 million pesos.

Mga Ferrari, Audi Q3, Mustang GT, Mitsubishi cars at ilang pang mga mamahaling sasakyan ang pagmamay-ari nito.

Noong 2016 ay naipabalita sa publiko ang paglipat nila ng kanyang asawa na si Pauleen Luna sa bagong bahay nila sa Sta. Rosa, Laguna na umabot daw ng halos dalawang taong bago matapos ang mala-palasyong tahanan na ito.

Vic Sotto | Facebook

Vic Sotto | Facebook


Ayon kay Pauleen ay naging ma-proseso at lubos na pinagisipan daw ang pagpapagawa nila dito. Hands-on din sila sa pagpili ng mga materyales at mabusising pinaguusapan ang disenyo ng bahay.

"Hindi siya biro ang dami mong choices. I am sure sila (other homeowners), nilalatagan nalang ng choices. Ako, hindi, pumupunta talaga ako din sa Wilcon Depot at ako ang naghahanap nun."

Vic Sotto | Facebook

Vic Sotto | Facebook


"Ang dami tsaka hindi mo alam kung anong babagay sa ganyan. HIndi talaga siya biro, kaya nga siguro trabaho o isang propesyon talaga ang pagiging home builder" paliwanag ng may bahay ni bossing.

Ang 68-anyos na komedyante din ang may-ari ng Film and TV production company na M-Zet Productions. Sinimulan nito ang karera kasama ang mga kapatid na sina Tito at Val sa isang gag show na 'OK Lang' sa IBC TV noong 1975 at mula noon ay hindi mabilang na mga palabas at pelikula na ang ginawa nito.

Kaya naman isa si 'Bossing Vic' sa hanay ng mga pinaka mayayamang aktor sa bansa.

Vic Sotto | Facebook

Vic Sotto | Facebook


Kilalanin ang 10 aktres na nakapangasawa ng mayaman at ngayo'y buhay reyna na ng kani-kanilang tahanan.

12:58 AM
Ang mga naggagandahang bituin sa showbiz na hindi lang pang TV o pelikula ginagampanan ang mala-reynang pamumuhay kundi pati na rin sa kanilang tunay na buhay.

Sa mga kababaihang ito matutukoy na bukod sa mga libo o milyong fans nila ay may mga bigatin ding tulad ng mga negosyante o politiko ang nahuhumaling sa kagandahan nila. 




Narito ang listahan ng ilan sa mga aktres na nakapangasawa ng mga ibod ng yamang mga personalidad:

10. Bangs Garcia

Si Bangs ay isang dating sikat na artista ng ABS-CBN. Lubos na nakilala noong taong 2008 hanggang 2009 kung saan ay naging isa sa mga pangunahing cast ng mga palabas na Katorse, Precious Hearts: My Cheating Heart, Shake, Rattle and Roll XI, Migrante and Marino.

Ikinasal si Bangs kay Lloyd Birchmore, isang Filipino-British Businessman at property developer. Hindi lang isa, hindi rin dalawa kundi tatlong beses silang kinasal. Isang civil wedding noong 2016, pangalawa naman ay isang church wedding noong January 2017 at ang pangatlo ay kinabukasan ng kanilang kasal. Ginanap ito sa Boracay kung saan sila unang na-engaged.

Bangs Garcia | Facebook

Kaye Abad | Facebook


9. Kaye Abad

Bata pa lang ay kilala at bumibida na si Kaye sa mga palabas niya noon sa ABS-CBN. Ikinasal ito sa dating PBB Housemate na si Paul Jake Castillo. Ang mister ay nanggaling sa isang mayamang pamilya sa Cebu City at nagmamay-ari ng mga kumpanyang Bioderm, Efficacent Oil at Casino Rubbing Alcohol.

8. Julia Clarete

Matapos lisanin ang longest noontime show na Eat-Bulaga. Nangibang bansa si Julia at kalaunan ay nagpakasal sa CEO ng Coca-Cola beverages Philippines, Inc. na si Gareth McGeown noong 2017.

Julia Clarete | Facebook


Krista Ranillo | Facebook


7. Krista Ranillo Lim

Ang dating Kapuso at Kapamilya star na si Krista na anak ng batikang aktor na si Matt Ranillo III ay ikinasal sa kanyang childhood sweetheart na si Niño Jefferson Lim taong 2010 sa California, USA.

Isang mayamang businessman at Founder/CEO ng Island Pacific Supermarket. Isa itong sikat na pamilihan sa America na mayroong 16 branches.

6. Niña Jose

Matapos makalabas ng bahay ni kuya ang dating PBB Teen Housemate na si Mayor Niña ay namulaklak ang karera nito at napabilang sa mga bumubuo ng mga palabas na Adventures of Pedro Penduko, My Girl, Your Song: My Only Hope atbp.

Ang ngayong Mayor ng Pangasinan ay ikinasal noong November 2017 sa mayamang politiko at businessman na si Cezar Quiambao.

Mayor Niña Jose | Facebook


Assunta de Rossi-Ledesma | Facebook


5. Assunta de Rossi-Ledesma

Hindi mawawala sa listahan ang mag-asawang Assunta de Rossi at Jules Ledesma. March 2004 nang ikasal ang dalawa sa Forbes Park, Makati.

Isang malaking pagawaan ng asukal sa bayan ng Negros Occidental ang pagmamayari ng Dating Congressman at mayamang politiko na si Jules Ledesma.

4. Beauty Gonzales

Isa nanamang galing bahay ni Kuya at nagwagi bilang 4th Big Placer ang ating nasa listahan. Si Beauty ay kinagiliwan ng marami sa kanyang husay sa pagarte at sa laki ng pagbabago sa pangangatawan nito.

Siya ay ikinasal kay Norman Crisologo na isa ring mayamang businessman. Si Norman ay isang art curator ng mga mamahaling paintings at mga art collections sa bansa.

Beauty Gonzales | Facebook


Pauleen Luna-Sotto | Facebook


3. Pauleen Luna-Sotto

Isang kalahok ng Little Miss Philippines dito marahil unang nagkatagpo ang mag-asawang Pauleen at ang nagiisang bossing Vic Sotto.

Naging matagal na magkatrabaho sa variety show na Eat Bulaga! bago naging magkarelasyon at celebrity couple na ito.

Gretchen Barretto | Facebook


2. Gretchen Barretto

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na si Greta ay asawa ng isa sa pinaka maimpluwensiyang tao sa bansa. Si Tony Boy Cojuanco ang dating chairman ng PLDT at AirAsia. Isa rin itong local partent ng OKADA isang sikat na casino sa buong mundo.

Dawn Zulueta | Facebook



1. Dawn Zulueta

At ang huli sa listahan ay ang ageless beauty na si Dawn Zulueta. Ikinasal kay Anton Florendo Lagdameo Jr. noong 1997 na isang mayamang politiko at businessman at gling sa mayamang pamilya sa Southern Mindanao.

Ano ang masasabi niyo sa mga aktres na ito at sino pa kaya sa tingin niyo ang susunod sa listahang ng mga artistang nakapangasawa ng mayaman?

Yasmine Vargas, pinaghalong Marian Rivera at Carla Abellana raw ang mukha. Sexy pa rin kahit tatlo na ang anak.

6:57 PM
Unti-unti ay mas nakikilala ng publiko ang misis ng politiko, modelo at aktor na si Alfredo Paolo Dumlao Vargas III o Alfred Vargas na si Yasmine Vargas.

Ang kanyang taglay na angking kagandahan ay iniuugnay sa mga bigating aktres na sina Marian Rivera at Carla Abellana dahil na rin sa dami ng nagsasabi na malaki ang pagkakahawig niya sa mga ito.




Ang Filipina-Italian na si Yasmine Espiritu Vargas na ipinanganak sa Italy ay ikinasal kay Alfred Vargas noong 2017, matapos ang kanilang civil wedding ceremony noong 2010.

Aminado rin ang misis ng aktor/konsehal ng Quezon City na fan na fan siya nito mula noon. Katunayan ay mayroon pa itong poster noon sa kanyang kwarto na siyang ikinagulat ni Alfred noong siya'y umaakyat pa lang ng ligaw at pumunta sa kanilang bahay.

Love at first sight naman ang nangyari sa kapuso hunk nang una silang magkita ni Yasmine noong 2008 matapos ang kanyang show sa Sta. Cruz, Laguna.

Agad na kinuha ng matipunong binata ang numero ng magandang binibini at pagkatapos ng fiesta show na iyon ay naging tuloy-tuloy na ang kanilang komunikasyon.

Sa unang pagkikita pa lang daw nila ay nasabi na ni Alfred na si Yasmine na ang babaeng gusto niyang makasama habang buhay.

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook


"Sigurado akong siya na ang babaeng pakakasalan ko, hindi nga lang ako sigurado kung magpapakasal siya sa'ken" pabiro nito.

Si Alfred raw ang first boyfriend at first love ni Yasmine. Sa ngayon ay mayroon na silang tatlong anak. Ito'y sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano.

Ang panganay na si Alexandra Milan na siyang ipinanganak din sa Italy ay isang napakalambing na ate sa kanyang mga kapatid.

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook


Sa ngayon ay mahigit isang dekada na silang nagsasama at kitang-kita na inlove na inlove parin ang dalawa sa isa't-isa. May isang post pa nga aktor sa social media at ang sabi'y,

"Napakaswerte ko sayo. Ang sarap magising tuwing umaga na katabi ka. Ang sarapa mong ligawan araw-araw hanggang ngayon at ipagpapatuloy kong ligawan ka kahit maputi na ang buhok natin. Salamat dahil laging oo naman ang sagot mo sa askin. Mahal na mahal kita."

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook


Bukod sa maganda nitong mukha na iniuugnay sa mga naglalakihang bituing gaya nila Kristine Hermosa ay maganda rin ang pangangatawan ni Yasmine at seksing-seksi pa rin kahit naka-tatlong anak na.

Kaya marami ang nagtatanong kung ano ang sikreto nito.

"Mommy Exercise" ito ang kanyang tugon. Kung noon raw ay wala itong kahilig hilig sa mga pisikal na aktibidad at nakukuha pang tumakas sa kanyang P.E class ay iba na daw ngayon.

"I decided to go out of my sedentary lifestyle. I chose to be strong and healthy for my kids. I began my program cautiously and progressed slowly. I exercise in short sessions few times a week, keeping my mind that any amount of activity is better than none at all."

Bagamat busy ay nananatili pa rin na hands-on mom si Yasmine sa kanyang mga anak at full-support sa karera ng kanyang mister.

Vargas Na Pag-Ibig | Facebook