Isang babae, hiniwa ang braso matapos hindi magbigay ng limos sa isang pulubi - The Daily Sentry


Isang babae, hiniwa ang braso matapos hindi magbigay ng limos sa isang pulubi



Pinagsamang larawan mula sa flickr.com at Facebook
Isang nakakalungkot na pangyayari ang sinapit ng isa nating kababayan sa kamay ng isang pulubi matapos niyang tanggihan na bigyan ito ng limos.

Sa Facebook post ni Lyka Joy Ignacio, ibinahagi nito ang kanyang karanasan sa isang pulubi na pagala-gala sa Brgy. Poblacion, lungsod ng Muntinlupa.

Ayon kay Ignacio, nilapitan siya ng isang lalaking pulubi habang siya ay naghihintay sa labas ng isang drugstore.

Nang tumangging magbigay ng limos si Ignacio ay bigla na lamang umano dumikit sakanya ang  lalaking pulubi at sabay sinugatan ang kanyang braso at kaagad na kumaripas ng takbo ang lalaki.
Larawan mula kay Lyka Joy Ignacio

Larawan mula kay Lyka Joy Ignacio
Sa ibinahaging litrato ni Ignacio, makikitang isang mahabang hiwa mula sa kanyang braso ang kanyang natamo mula sa lalaking pulubi.

"Guys ingat po kayo sa mercury bayan katabi ng 7/11 muntinlupa. May namamalimos na lalaki mga 18 to 20 plus na siguro ang age nya. Pag di nyo binigyan, didikitan kayo.. sabay tatakbo.. Nadali po ako sa braso.. diko alam kung ano yung pinang hiwa nya sa braso ko masyadong mabilis ang pang yayari. Ingat po sa lahat.." ayon sa post ni Ignacio.

Basahin ang reaksyon ng netizens sa ibaba:

Larawan mula kay Lyka Joy Ignacio

"kakainis nga mga nanlilimos ngayon ganyan na . manghihingi tapos bigyan mo pagkain choosy pa mas gusto pera, pag wala ka maibigay bigla bigla manghahawak ng dibdib or pwet kagigil minsan naman nanghahampas sila.

"Hala baka mmaya may sakit yun una nyang ginanyan tas mahahawa ka. Ayawko sanang sbhn na H1v pa blad test ka agad.

"ipa check up mo yan baka ginamit jan pangdali lang sa sakt...patignan muna habang maaga pa..

****