Bagong modus ng grupo ng kabataan upang makapangbiktima ng nanakawan: Napakalaking lason niyo sa lipunan! - The Daily Sentry


Bagong modus ng grupo ng kabataan upang makapangbiktima ng nanakawan: Napakalaking lason niyo sa lipunan!



Larawan kuha mula sa post ni Erjenette Buen

Halos kaliwa't kanan ang kinasasangkutang kaguluhan ng mga kabataan ngayon at parami ng parami din ang sa kanila'y mga kababaihan ang nangunguna sa pambibiktima.

Sa isang post ni Erjenette Buen, ibinahagi niya kung paano sila ng mga kasama niya biglang inatake ng mga menor de edad na halos grupo ng mga kabataang babae sa may bandang overpass sa Southmall Las Pinas.

"Magingat kayo sa mga Babaeng yan sa ilalim ng overpass sa tapat ng Southmall! Madalas 5 sila at may isa pang kasamang lalaki pero dalwa lang yun nahuli namin dahil nakatakas yung tatlo," babala niya.


Ikinuwento pa ni Erjenette na habang sila ay naghihintay ng masasakyan, ikinagulat nila nang bigla silang sugurin at saktan ang isa sa kaniyang mga kasama.

"Naghihintay lang kami ng sasakyan then bigla nilang dinagukan at hinampas si Raquel. Tapos biglang sasapakin niyo kami!," salaysay niya.

Larawan kuha mula sa post ni Erjenette Buen

Di pa nakuntento sa pananakit ang mga kabataan, at nagtangka pang hablutin ang dala nilang bag. Ngunit sa pag amin nila sa Police Station, modus nila ang linlangin una ang biktima nila sa pamamagitan ng pananakit saka nila ito nanakawan.

"Balak niyo pa nakawin yung bag ko! Napakalaking lason niyo sa lipunan! Umamin din kayo sa Police Station na balak niyo nakawin bag ko kaya kayo nananakit muna! Modus ata yan ng mga yan!,"

Sa ilalim ng Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act of 2006, hindi maaaring panagutin sa batas ang mga nakagawa ng krimen kapag sila ay may edad 15 anyos pababa.

Umani din ng pagbatikos ng mga netizen ang ginawang pananakit ng mga kabataan:

Adrian Paul Zeta 
 Laking kalsada na kasi yang mga yan ,minsan nasa loob ng sm yan sa tom'sworld dun mga mangbuburaot . may mga kapatid pang lalaki yan, mga buraot sa mga jeepney driver .


Larawan kuha mula sa post ni Erjenette Buen


Rheign Reyes
Kilala ko sa mukha nyang mga yan , kaya kampanti dn ako mag isa khit gabi na nag aabang ng jeep sa may tapat ng sm .Sa ministop madalas yan mga nakatambay jan sila naka pwesto para mag adik.

Jaq Medrano
Tuluyan m yan pra matauhan mga yan.. pag hnd nkatikim ng kaso yan balewala.. magpapatuloy prin cla s gawain nila.

Ito ang kaniyang buong kwento:

BEWARE!!!

Magingat kayo sa mga Babaeng yan sa ilalim ng overpass sa tapat ng Southmall! Madalas 5 sila at may isa pang kasamang lalaki pero dalwa lang yun nahuli namin dahil nakatakas yung tatlo. Hindi ko alam kung nag Rr*gby kayo or what para manakit kayo ng mga taong nananahimik!

Larawan kuha mula sa post ni Erjenette Buen

Naghihintay lang kami ng sasakyan then bigla nilang dinagukan at hinampas si Raquel!!! Mga ad!k ba kayo?!! 

Tapos biglang sasapakin niyo kami! Buti nakaiwas kami! Balak niyo pa nakawin yung bag ko! Napakalaking lason niyo sa lipunan! Nag ddr*gs ba kayo?!!! 

Bigla niyo na lang kami sasaktan? Umamin din kayo sa Police Station na balak niyo nakawin bag ko kaya kayo nananakit muna! Modus ata yan ng mga yan! Pinagtulungan niyo pa yung kasama ko! May kakalagyan kayo!

Thank you sa pagtulong Brgy. Almanza Uno Police Station kahit mainit hinabol niyo yang mga walang pusong mga yan!!!

***


Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!