Mayor Isko sa mga gumagawa ng bandalismo: 'Pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to' - The Daily Sentry


Mayor Isko sa mga gumagawa ng bandalismo: 'Pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to'




Nagbigay ng babala si Mayor Isko Moreno sa nagbandal sa Lagusnilad underpass ngayong araw ng Martes. Nagviral sa social media ang mga larawan na kung saan ay dinungisan ng mga aktibista ang nasabing underpass.

"Huwag kayong pahuhuli sa akin. Sige, human rights... 'pag nahuli ko kayo, padidila ko sa inyo ‘to. Buburahin niyo ‘to ng dila niyo," ayon kay Mayor Isko.

"We are really trying to clean up and revive, making Manila... vibrant. We don't deserve this. The people of Manila don't deserve this," dagdag pa ni Moreno.


Sa ngayon ay maayos na ulit ang Lagusnilad dahil nilinis at pininturahan na ito ng mga personnel ng Manila City Hall.

"Yung mga nagvavandalism, tignan niyo po yung underpass, vinandal ninyo, o ngayon pininturahan namin ulit. Ngayon, pera niyo na ‘yung ginastos namin," sabi ni Moreno.

Dagdag ni Moreno, kung siya ang nasa national government ay hindi niya bibigyan ng pondo ang mga aktibistang naninira sa mga government peoperties.

"The same money that you pay our government, we are going to use, ang gagawin ko sa mga raliyista na ‘to, 'yung pera na ibibigay ko sa inyo sa edukasyon, yon ang gagamitin ko para ipampintura ko ng dinumihan ninyong pader. O, magutom kayo lahat sa loob eskwelahan. Kung ako nasa national government, ‘yon ang gagawin ko. E kayo nagbababoy e, hindi po makatwiran 'yan e." sabi ni Moreno.

Hinahangaan ngayon si Mayor Isko Moreno dahil sa kanyang mga adhikain na pagandahin ang Manila.
Litrato mula sa ABS-CBN news