Beware! Huwag pagsabayin ang instant noodles at softdrinks dahil delikado ang epekto nito - The Daily Sentry


Beware! Huwag pagsabayin ang instant noodles at softdrinks dahil delikado ang epekto nito




Ang softdrinks ay paborito ng karamihan sapagkat nagbibigay ito ng refreshment tuwing uhaw na uhaw. Samahan mo pa ng instant noodles na talaga namang heaven ang pakiramdam kapag ito'y pinagsasabay.

Pero alam mo ba na may naitalang delikadong epekto ang pagsabayin ang instant noodles at softdrinks?

Isang kabataan na si Xiao Chao na mula sa Hangzhou China ang nagbahagi ng kaniyang naging karanasan tungkol sa lagi niyang pag-inom ng softdrinks at ang pagkain ng instant noodles ng sabay.


Ayon kay Xiao Chao, siya ay nakaramdam ng matinding pananakit sa kaniyang bewang, tyan, likod, at balikat. Dahil hindi na din matiis ang sakit na iniinda, ay dinala siya sa emergency room kung saan ang mga doktor ay ini-diagnose ang kaniyang kalusugan.

Nung una ay hindi malaman ng mga doktor kung ano ang sanhi ng kaniyang kalagayan. Dahil dito, ang mga doktor ay nagbigay na lamang sa kaniya ng mga gamot na pangtanggal ng pananakit sa sakit ng tiyan. Ngunit hindi umiipekto ang gamot at patuloy pa rin ang pagsakit nito.

Nagdesisyon na ang mga doctor na isailalim siya sa Abdominal xray upang matukoy kung ang dahilan ng pagsakit ng kaniyang tyan. Matapos iyon, nadiskubre nila na ang loob ng kaniyang tiyan ay punong puno ng gas.

Upang mabawasan ang gas sa kanyang tiyan ay gumamit ng tube ang mga doktor na ipinadaan ito sa kanyang tiyan.


Sinabi sa kaniya ng doktor na ang pagkain niya ng instant noodles at ang pag-inom ng carbonated drink ng sabay ay ang naging sanhi kung bakit sumakit ng sobra ang kaniyang tyan. Ito ay dahil na rin sa mga carbon dioxide na nakapaloob sa kaniyang tyan kung kaya't ang kaniyang digestive system ay bumigay at hindi na ito kinaya. Isa pa sa mga nagpalala ng kaniyang kalagayan ay ang agad niyang pagtulog pagkatapos kumain ng instant noodles kahit na siya ay hindi pa natutunawan.

Sa isang research study na isinagawa, kanilang tinignan kung ano ang maaaring mangyari kapag inilagay nila ang instant noodles sa isang ziplock bag at kasabay ng paglagay ng carbonated drink. Makalipas ang ilang sandali ng eksperimento, nakita nila na nagkaroon ng hangin sa loob ng ziplock bag.

Litrato mula sa Good Times
Ito ay ang maaaring nangyari sa tyan ng ni Xiao Chao. Kaya hinay-hinay ang pagkonsumo ng mga ganitong pagkain sapagkat lahat ng sobra ay nakakasama sa ating katawan.

Source/s: Good Times, Kami, Goody Feed