Foreigner, hindi sinipot ng manlolokong may asawang Pinay girlfriend; naiyak nang tinulungan ng pulis - The Daily Sentry


Foreigner, hindi sinipot ng manlolokong may asawang Pinay girlfriend; naiyak nang tinulungan ng pulis



Larawan kuha mula sa post ni Elisa Caldoza

Nagiging kagawian na ng ibang mga Pilipina ang sumubok maghanap ng kanilang magiging boyfriend o magiging asawa sa pamamagitan ng online chat upang dito makatagpo ng mga dayuhan.

Ang iba ay may malinis na intensyon ngunit ang iba naman ay ginagawa itong libangan at pagkakaperahan lang na naging sanhi ng mababang pagtingin ng ibang mga lahi sa mga kababayan natin.

Gayunpaman, likas din sa ating maraming mga Pilipino ang handang tumulong sa kahit ano pang lahi at kalagayan nito.


Katulad nalang ng naging post ng isang netizen na si Elisa Caldoza kung saan ibinahagi niya ang nakakaawang karanasan ng isang dayuhan mula Turkey na niloko ng kanyang sinasabing girlfriend na nakilala niya lang sa pamamagitan ng chat.

Larawan kuha mula sa post ni Elisa Caldoza

"Nag punta dito sa bansa natin para sa girlfriend nyang pinay. Na hindi sya pedeng tumuloy sa province ng babae dahil nalaman namin na may asawa pala un babae," saad niya.

At dahil sa mukhang wala pang kain ang dayuhan agad daw itong binilhan ng pagkain at ng maiinonm ng isang pulis na nakakita at dito na nila siya nakausap.

Pahayag daw ng foreigner na di siya masusundo ng kanyang girlfriend kasi may asawa na pala ito.

Paalala din ni Elisa na huwag gawing libangan ang pakikipag chat sa internet dahil ang iba sa mga dayuhan ay totoo at seryoso sila.

Kaliwa't kanan na ang mga ganitong pangyayari, kung saan may mga dayuhang lalaki na sabik na papasok dito sa bansa upang makita ang naka-chat na Pinay, ngunit humantong lang ito sa panloloko at pamemera hanggang ang iba sa kanila ay makikitang palaboy-laboy at nanghihingi ng tulong makabalik lang sa kanilang bansa.


Ito ang kanyang buong kwento:

Larawan ng naging post ni Elisa Caldoza


Shout out ki kuya police sa NAIA T3. PAT.JAYSON APOSTOL NG AUSEEGROUP. napaka buti po nang inyong puso sir. Apostol Hindi kau ng dalawang isip tulungan ang kawawang foreigner. 

Na nag punta dito sa bansa natin para sa girlfriend nyang pinay. Na hindi sya pedeng tumuloy sa province ng babae dahil nalaman namin na may asawa pala un babae.

Parang 1week ng lost ang foreigner turkish ang lahi nya. Hindi marunong mag English.. kinakausap namin sya true google translate language. 

Larawan kuha mula sa post ni Elisa Caldoza
Mukhang mahirap lang dn.. halata sa mukha nya na wala pa syang kain.. kaya nong binili sya ni kuya police ng food e naiyak tlga sya.. tinanong namin sya kung gusto nya bumalik sa bansa nila pero hindi na sapat ung pera nya.

Larawan kuha mula sa post ni Elisa Caldoza
Wag gawing libangan ang pakikipag chat sa mga foreigner. Dahil sa kanila totoo at seryoso sila. Kawawa naman pupuntahan ka tpos hindi mo masundo dahil may asawa kana.

***

Source: Elisa Caldoza

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!