Gold Digger na Pinay, nangulimbat umano ng P25-M sa naging karelasyon na gwapong foreigner - The Daily Sentry


Gold Digger na Pinay, nangulimbat umano ng P25-M sa naging karelasyon na gwapong foreigner



Litrato mula sa Raffy Tulfo
Maaaring mayroong ibang foreigners na naging maswerte sa kanilang paghahanap ng Pinay na mapapangasawa ngunit mayroon din namang hindi. Masakit man na katotohanan pero ang ilan sa mga Pinay ay ginagamit lamang ang mga foreigners upang sila ay makaahon sa hirap at makatikim ng sarap ng buhay (well hindi naman lahat).

Kamakailan lamang ay lumapit sa Raffy Tulfo in Action ang magkapatid na Amerikano na si Rj Russel at Kevin Russel upang manghingi ng tulong kay Raffy Tulfo at ireklamo ang isang Pinay.


Ayon sa mga ito, ang nakarelasyon ni Rj Russel na isang Pinay ay niloko lamang siya at bukod pa dito, ay pinerahan lamang siya na kung saan kinuhanan siya nito ng nasa Php25 Milyon pesos.

Ibinahagi din ng Amerikano ang kaniyang naging relasyon sa Pinay at kung paano ang naging takbo nito. Aniya na siya at ang Pinay na karelasyon ay dalawang taon ng nagsasama. Ipinakita din nito ang larawan ng Pinay.

Litrato mula sa Raffy Tulfo
Kinwento din ni Rj na nais niyang matulungan ang Pinay na makabalik sa pamilya nito kaya naman ay binigyan niya ito ng pera para sa isang sari-sari store na negosyo at pambili ng isang malawak na bukirin. Ngunit, napag-alaman ni Rj na hindi naman talaga binili ng Pinay na kaniyang naging karelasyon ang bukirin kaya naman siya ay nagtataka kung saan dinala ang lahat ng pera na kaniyang ipinadala.

Sa kabilang banda, binibiro biro din ni Raffy Tulfo ang Amerikano nang sa gayon ay mapatawa niya ito at maialis ang lungkot na nadarama nito.


Panoorin ang buong detalye sa ibaba:



Marami naman sa ating mga netizens ang nagbigay ng iba't ibang komento at reaksyon ukol dito.