Isang criminology student, sinalo ang babaeng tumalon mula sa ika-5 palapag ng gusali - The Daily Sentry


Isang criminology student, sinalo ang babaeng tumalon mula sa ika-5 palapag ng gusali



Larawan mula sa bombo radyo
Maituturing na isang kabayanihan ang ipinamalas na lakas ng loob ng isang criminology student matapos nitong saluhin ang isang babaeng estudyante na nais tumalon mula sa ika-limang palapag ng gusali sa isang unibersidad sa barangay Tapuac sa lungsod ng Dagupan.

Kinilala ang first year college student na si Mart Esthepen Navarro, kumukuha ng kursong criminology sa nasabing paaralan.

Ayon kay Navarro, habang ginaganap ang kanilang aktibidad sa Reserved Officers Training Corps (ROTC), nakita lamang niya ang biktima na nasa ika-limang palapag ng building habang kasama nito ang kanyang ama na nagmamakaawang huwag ituloy ang masamang binabalak nito.

Kwento pa ni Navarro, hindi niya kilala ang babaeng biktima at sadyang nais lamang niya na iligtas ang buhay nung babae.

Hindi naman itinuturing ni Navarro na bayani ang sarili, dahil ang importante raw dito ay ibinigay niya ang kanyang sarili upang makapag-ligtas ng isang buhay.

Gayunpaman. hindi itinuturing ni Navarro ang sarili na isang bayani dahil ginawa lang daw umano nito kung ano ang dapat gawin para makapagligtas nang buhay ng iba.
Larawan mula sa Bombo Radyo
Ayon sa balita, napag-alaman na nawalan ng malay si Navarro matapos niyang salohin ang babae at dahil na din sa lakas ng pagkakahulog ay nagkaroon ng bale ang tuhod nito.

Lubos naman ang pagpapasalamat ng pamilya ng biktima kay Navarro dahil sa pagligtas niya sa buhay ng kanilang anak.


Ganun pa man, parehas ng nasa maayos na kalagayan si Navarro at ang biktima.

Hindi pa naman malaman ang naging dahilan ng biktima kung bakit niya nagawa ang insidenteng ito habang ang pamilya nito ay humiling ng privacy kasunod ng pangyayari.

Patuloy parin naman ang imbestigasyon ng otoridad upang malaman ang dahilan ng estudyante kung bakit nais nitong wakasan ang kanyang buhay.

Basahin naman ang mga komento ng netizen sa ibaba:

Jaylord De Guzman Napaka tapang naman ni kuya navarro, estudyante palang siya sa pagkapulis tapos ganyan na siya tumulong sa mga nangangailangan, ito ang dapat tularan ng ibang pulis na duwag at puro porma lang ang alam.
Larawan mula sa CNN Philippines
Patrick Dela Cruz Isa kang bayani Navarro, kung hindi dahil sayo ay wala na ang babaeng sinalo mo. grabe sobrang sakit sguro ng katawan mo dahil napunta lahat ng impact sayo.

Lea Ann Nativido Dapat malaman ang dahilan ng babae kung bakit niya yun nagawa dahil baka hindi magtagal eh uulitin niya itong ginawa niya at sa pagkakataong yun ay baka wala ng Navarro na sasalo sakanya.

John Dave Dela Pena Si Navarro ay isang mabuting estudyante dahil sa una palang ay hindi na siya nag atubili na saluhin ang babae kahit na nakita niya itong sobrang taas ng babagsakan at posibleng malagay sa alanganin ang kanyan buhay. 

****

Source: Bombo Radyo