Isang babaeng naningil ng utang sa kanyang kaibigan, pinagtatảga daw? - The Daily Sentry


Isang babaeng naningil ng utang sa kanyang kaibigan, pinagtatảga daw?



Litrato mula kay Fran Rusti
Sa panahon ngayon, bihira na ang mga taong tapat sa pinangakong babayaran ang utang sa tinakdang araw. Minsan nga ikaw na ang mahihiyang sumingil sa pinautang mo sa ibang tao.

Tulad na lamang ng isang viral post ng isang netizen na si Fran Rusti na kung saan ay kanyang ikwinento ang karanasan ng isang babaeng naningil ng utang sa kaibigan pero ang resulta ay kalunus-lunos na pangyayari.


Ayon sa ipinost ni Fran, mabait daw ang kaibigan ng babae noong panahon na umutang ito sa kanya. Hindi nabanggit sa post ang mga pangalan at lugar na involved sa insidente.

"Ayon sa biktima ang bait ng kaibigan niya noong panahon na gusto umutang sa kanya," ayon sa Facebook post ni Fran.

Ang simula daw nito ay nagchat umano ang suspek sa biktima ng "Kamusta ka na bes?" sa messenger hanggang sa nakabwelo ang suspek na umutang ito sa babae.

"Una daw nag message sa kanya ang suspect na “KAMUSTA KANA BES?” Sa messenger. Pero ang ending pala gusto Lang umutang ng pera sa kanya!"

Kwento ni Fran, noong sisingilin na daw ng babae ang kanyang kaibigan ay pinagbantaan ito na huwag pumunta sa kanyang condo dahil wala pang pambayad. Pero dahil kailangan din daw ng pera ang babae ay nagpumilit siyang pumunta sa lugar ng kanyang kaibigan at doon nangyari ang insidente.

"Pero sa panahong sisingilin niya na ang kaibigan sa hindi na bayarang utang nagalit daw ito pinag bantaan na huwag siyang puntahan sa kanyang condo dahil wala siyang pera, Pero pinuntahan talaga ng biktima dahil kailangan na niya ng pera. pagaling ka ate," kwento ni Fran Rusti sa kanyang Facebook account.

PS: Hindi makumpirma ang katotohanan ng insidenteng ito dahil walang nakalagay na mga pangalan at lugar sa Facebook post ng netizen.


Narito ang ilang mga litrato ng biktima:

Litrato mula kay Fran Rusti

Litrato mula kay Fran Rusti

Litrato mula kay Fran Rusti
Source: Fran Rusti / Facebook