Limang pulis, tumulong sa isang ginang sa pag-ani ng palay sa Abra - The Daily Sentry


Limang pulis, tumulong sa isang ginang sa pag-ani ng palay sa Abra



Litrato mula sa Pidigan MPS
Viral ngayon ang limang pulis sa Pidigan, Abra matapos kumalat ang kanilang litrato na kung saan makikita ang pagtulong nila sa isang ginang sa pag-ani ng palay.

Ayon sa post ng Pidigan MPS, nagpapatrolya ang grupo na pinangungunahan ni P/Capt. Facundo Guinsad nang makita ang isang ginang na nag-iisa sa pag-ani ng palay.


Agad daw na bumaba ang hepe at apat pang kasamahan at tumulong sa pag-ani ng palay. Namangha naman ang ginang sa mabuting loob ng mga nasabing pulis.

Litrato mula sa Pidigan MPS
Litrato mula sa Pidigan MPS


Ayon sa pulisya, paraan daw ito upang mas lalong mapalapit sila sa mga residente. Pagpapakita rin daw ito ng bayanihan anumang oras at panahon.

Maraming netizen ang humanga sa kabutihang ginawa ng mga pulis at umaasa silang darami pa ang mga katulad nila.


Narito ang ilang pang mga litrato mula sa Pidigan MS:

Litrato mula sa Pidigan MPS

Litrato mula sa Pidigan MPS
Source: Pidigan MPS / Facebook