Hotel sa Japan maaaring mai-book sa halagang P60.00, sa isang kondisyon - The Daily Sentry


Hotel sa Japan maaaring mai-book sa halagang P60.00, sa isang kondisyon




Balak mo bang magbakasyon sa Japan? Naghahanap ka ba ng murang matutuluyan doon? Backpacker ka ba? Kung oo, baka magustuhan mo ang inaalok ng hotel na ito.

Sa city ng Fukuoka sa Japan, isang hotel ang maaaring mai-book sa napakamurang halaga. Ang presyo? 130 yen lang naman o humigit kumulang P60.00.

Ngunit hindi ito naging ganito kamura nang walang dahilan.

Makakapag-book ka sa hotel na ito sa ganun kababang halaga kapalit ng isang kondisyon: ila-live stream nila ang bawat galaw mo. Ibig sabihin, monitored ang kwarto mo kaya naman kalimutan mo muna ang privacy mo kung may plano kang magcheck-in dito.

Hindi man pribado ang mga banyo dito dahil shared toilet lamang ang mayroon ang hotel, makasisigurado kang walang camera sa loob ng banyo.

Dahil japanese-style ang mga kwarto dito, matutulog ka sa sahig na may latag: malinis at komportable. Kaya naman kahit hindi 5-star hotel ito, para sa ganito kamurang halaga, magandang option na ito na tiyak mong maayos talaga.

Walang masyadong madaming gamit sa hotel, pero kung ikaw ay isang turista naman na palaging lalabas para gumala, hindi magiging problema ito sayo.

Narito ang ilan sa mga kuha sa One Dollar Hotel:




Curious ka ba sa live streaming ng hotel na ito? Panuorin ang live stream dito:



Source: Rachfeed