Isang online seller, nabiktima ng isang bogus buyer: Pinapunta mo pa ko, tapos di ka din sisipot - The Daily Sentry


Isang online seller, nabiktima ng isang bogus buyer: Pinapunta mo pa ko, tapos di ka din sisipot



Shantal Allyza Gonzalez (Seller) | Saranghe Heo (Buyer)

Likas sa karamihan nating mga Pilipino ang maparaan sa buhay; kahit sa ano mang hirap na trabaho o maparaket man ay hindi inaatrasan.

Ngunit sadyang meron din talaga sa mga kapwa natin, na likas din ang gawaing manloko, tulad nalang ng naging karanasan ng isang online seller, na hindi na nga siya sinipot sa unang napagkasunduang meet-up ay nagawa pa siyang paasahin at lokohin sa pangalawang pagkakataon.

Ibinahagi Shantal Allyza Gonzales kung paano siya pinag-antay at pinaikot-ikot ng kanyang naging customer na umorder sa kanya. 

 FRIDAY PINAGHINTAY MO KO GABI PA LANG INUPDATE NA KITA NA MAY MEET UP TAYO PERO KINABUKASAN NAGSABI KA NA NASA BULACAN KA EDI OKAY LANG SINCE NAKA ORDER KA NAMAN NA!," saad niya sa kanyang post

Marami sa mga naging karanasan ng mga Online sellers ang tila sa kanila'y bangungot ang makapag transaksyon sa isang bogus buyer o yung mga walang bumibili na di nagbabayad or di sumisipot sa mga meet-ups.

Nakuha pang mag-adjust ulit ni Shantal ng panibagong araw, lugar at oras umaasa na maibenta at mabayaran na ang order sa kanya. ngunit sa huling pagkakataon, di na naman siya sinipot ng kausap niya.

"NGAYONG MONDAY NA WALA KA NG SEEN SEEN IKAW PA TONG GALIT! HINDI KA MAAYOS KAUSAP TIGNAN MO PINAPUNTA MO PA KO TAPOS DI KA DIN SISIPOT," dagdag niya.

Kaya sa nangyari ay nagbigay siya ng babala sa mga kapwa niyang mga online seller upang di na sila maloko at magaya sa kanya.

"BEWARE SA BABAENG TO, SARANGHE HEO KA PA AH! TO ALL SELLER AUTO BLOCK NIYO NA PO SIYA BAGO KAYO MABIKTIKMA. AGAIN WAIT MO KARMA MO,"


Patok na patok ngayon sa social media platforms ang online selling business, na kung saan mas pinadali ang transaksyon ng pamimili. Ngunit kalakip din nito ay ang madalas na pagkakataong naloko ng seller o di kaya'y naloko ng buyer. 

Basahin ang naging buong post: 

BEWARE SA BABAENG TO, SARANGHE HEO KA PA AH! HAHAHAHAHAHA FRIDAY PINAGHINTAY MO KO GABI PA LANG INUPDATE NA KITA NA MAY MEET UP TAYO PERO KINABUKASAN NAGSABI KA NA NASA BULACAN KA EDI OKAY LANG SINCE NAKA ORDER KA NAMAN NA! NGAYONG MONDAY NA WALA KA NG SEEN SEEN IKAW PA TONG GALIT! HINDI KA MAAYOS KAUSAP TIGNAN MO PINAPUNTA MO PA KO TAPOS DI KA DIN SISIPOT, IBA NA TALAGA NGAYON PANGET NA MUKHA PANGET PA UGALI LAHAT NA NA SAYO! MARESPETO AKO PERO SA KATULAD MO HINDI SIGURO. HAHAHAHAHAHA KARMA KNOWS UR ADDRESS 

 PINAGBIGYAN KA NA HINDI KA SUMIPOT NG FRIDAY PAG DATING NG MONDAY IKAW PA GALIT? TO ALL SELLER AUTO BLOCK NIYO NA PO SIYA BAGO KAYO MABIKTIKMA. AGAIN WAIT MO KARMA MO 

MAKAKAHANAP KA DIN NG KA TAPAT MO. THANKYOU PA DIN DAHIL MAY LEGIT NA BUYER AT IKAW ISA KA SA MGA PINAKA WALANG KWENTA NA MGA NAGING BOGUS KO. SANA MAKATULOG KA NG MAHIMBING INDAY

 GUSTO MO PA SA SEMENARYO MO KO PAPUNTAHIN HA! HAHAHAHAHAHAHAHA 

Basahin ang kanilang naging usapan sa mga sumusunod na mga larawan: 



Larawan mula sa post ni Shantal

Larawan mula sa post ni Shantal 
Larawan mula sa post ni Shantal

Larawan mula sa post ni Shantal 

Larawan mula sa post ni Shantal 

Larawan mula sa post ni Shantal 


Larawan mula sa post ni Shantal 

Larawan mula sa post ni Shantal 

Larawan mula sa post ni Shantal 

Larawan mula sa post ni Shantal 
Source: ‎Shantal Allyza L. Gonzales‎ | Facebook

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!
😂😘