Kaso ng unang pagpapasibak umano ni Tulfo sa isang guro, lumutang - The Daily Sentry


Kaso ng unang pagpapasibak umano ni Tulfo sa isang guro, lumutang




Bago pa si Teacher Melita Limjuco, meron nang Teacher Robelita Respicio. Base ito sa Facebook post ng isang netizen na nagngangalang Lyka Gutierrez Belong.

Matapos ang paglitaw ng episode ni Tulfo kung saan nagsumbong ang mga magulang ng bata ng guro nitong si Melita Limjuco, ay lumutang ang isang kwento ng isa pang guro na di umano ay pinasibak ni Raffy Tulfo.

Ayon sa netizen na si Lyka Gutierrez Belong, ang nag-post ng naturang open letter, makikita sa picture ang screenshot ng episode ng programang Raffy Tulfo in Action. Ang naturang episode, base sa screeshot, ay may pamagat na 'GURO NA NAGPAHIYA SA ESTUDYANTE PINASIBAK NI IDOL'.

Narito ang buong pahayag:

This is an Open Letter to Idol Raffy Tulfo,

Maganda at tinatangkilik po ang inyong programa, nagsisilbi po kayong sumbungan ng mga taong naaaragabyado. Kaya naman kahit mga maliliit na taong walang laban ay sa inyo po lumalapit. Ako po personally ay nanunuod gabi2x sainyo. Pero itong episode po na ito ay umalarma saamin. Gumawa po kayo ng hakbang at aksyon ng hindi niyo manlang naririnig ang panig ng Guro. Ni hindi po dumaan sa imbestigasyon kung totoo po ba ang nangyari. 32 years na po sa serbisyo ang gurong ito at lahat po ng testimonya ng kanyang naging estudyante ay magaganda. Ni hindi pa nga po napapatunayan ang katotohanan ng reklamo. Ang teacher po na ito ay hindi totoong nasuspinde at hindi nasibak. Alam ko po makapangyarihan ang programa ninyo at maimpluwensiya po kayong tao pero mas makapangyarihan po ang batas na sumusunod sa DUE PROCESS OF LAW. Kami po ay humihiling ng part 2 upang marinig naman po ang panig ng teacher na ito. Sa comment section po nito makikita niyo ang testimonya ng mga maliliit na tao na naghuhumiyaw ng hustisya para sa gurong ito.

#NoToEducatorsShaming
#JusticeForMaamRuby

Tingnan ang buong litrato:


Source: Lyka Gutierrez Belong