Nobyong nagpropose sa kanyang girlfriend sa isang fastfood, nilait ng isang netizen, Sponsors dumagsa - The Daily Sentry


Nobyong nagpropose sa kanyang girlfriend sa isang fastfood, nilait ng isang netizen, Sponsors dumagsa



Larawan mula sa Twitter/KFC

Isang sweet na love story ang naganap  sa isang fastfood restaurant sa South Africa,ang nakunan ng video at agad nagviral sa social media.

Kung saan isang engagement proposal ang naganap sa KFC fastfood chain sa nasabing lugar. kung saan ay nagpropose ang lalaki sa kanyang kasintahan.

Nakilala ang magkasintahan na sina Bhut’ Hector at ang kanyang nobya naman ay si Nonhlanhla.
Madami ang nakasaksi at nakunan sila ng video, kaya naman agad itong ibininahagi sa social media at agad ding nagviral. ***

Marami ang pinakilig, may ilan din naman nang lait

At dahil dito, marami ang humanga at napakilig ng pangyayari, kahit maraming tao ang nakapaligid sa kanila, patuloy pa rin ang nobyo sa kanyang pagluhod at pagsuyo sa kanyang nobya kung maari ba nitong  makasama ang iniirog habambuhay.

Sa kabila nito madami ang nagbigay ng mga komento at saloobin mula sa mga netizens. ang iba ay labis na humnga at kinilig samantala ang iba naman ay hindi natuwa.

Ngunit hindi rin naman maiiwasan na talagang may kokontra sa kaligayahan ng iba. May ibang nagkomento na imbes matuwa ay nilait pa ang ginawa ng lalaki sa kanyang nobyo.

Sa Twitter post ng isang netizen tungkol sa magkasintahan, nilait ng isang netizen ang lalaki at nagkomento pa ito na 'walang class at mahirap lang ang mga South African men.'

At dahil sa panghahamak na ito, hindi alam ng magkasintahan na ito pala ang magiging daan para bumuhos ang mas maraming biyaya para sa kanila.



Larawan mula sa Facebook


Marami ang nagpaabot ng tulong gaya na lamang ng mga sponsors at mga regalo para sa magiging mag-asawa.

Mayroon pa ngang isang sikat na wedding planner ang sumagot sa pagpaplano ng kanilang kasal. May iba't-ibang sponsors din na nagparamdam ng kanilang pagnanais na maiambag para sa kasal.

Meron ding mga sikat na mang-aawit na nagpresentang maging wedding singer sa kanilang kasal.

Maging ang kanilang honeymoon vacation at hotel accommodations ay sasagutin na din ng mga sponsors.

Sadyang napakaswerte ng naging kapalaran ng magkasintahan, dahil sa kabila ng panlalait sa kanila ay higit na mas lalo silang biniyayaan mula sa mga mabubuting tao.

Sino ba ang mag-aakala na ang isang pang-iinsulto ay maghahatid ng maraming biyaya sa taong inaapi.

Tama nga ang kasabihang sinumang nagmamataas ay ibababa at ang nagpapakumbab√° ay siyang itataas.


Mga Larawan mula sa Facebook



Source: KAMI