Mayor Isko, nagalit at muling ipinagbawal ang pagtitinda sa bahagi ng Divisoria! - The Daily Sentry


Mayor Isko, nagalit at muling ipinagbawal ang pagtitinda sa bahagi ng Divisoria!




Sa kanyang surpresang pagbisita sa Divisoria, sya ang nasurpresa sa kanyang nadatnan!

Nasupresa at nagalit ang butihing Mayor ng Manila na si Isko Moreno matapos tumambad sa kanya ang karimarimarim na sitwasyon ng lugar na dati na nyang naibalik sa ayos.

Netong Lunes lamang ng alas 5:30 ng umaga, November 11, biglaang binisita ni Mayor Isko ang Divisoria. Nang makita nya ang Ylaya Street, sumambulat sa kanyang harapan ang nagkalat at napakaraming basura sa nasabing lugar.

"Hindi ba kayo nahihiya dyan o talagang baboy din kayo sa bahay? Kailangan ko pa kayo sorpresahin? Pinaghahanapbuhay ko na nga kayo eh," ika nya sa mga vendors.

"Twenty-four hours wala na ang Ylaya. 'Di ba pinapayagan natin sila sa gabi para makapagtinda sila? Kung ganyan lang din naman ang iiwan sa’tin araw-araw, tigil na silang lahat," sabi nya sa mga pulis.

Nauna nang pinakiusapan ng Manila Mayor ang sidewalk vendors sa Recto Avenue at Juan Luna Street sa Divisoria na lumipat sa mga kalye ng Ylaya, Zamora, Carmen Planas, Sto. Cristo and Jaboneros.



Source: ABS-CBN