Rebelasyon mula sa dating guro ni Rosemil: Bagsak sakin dati yan - The Daily Sentry


Rebelasyon mula sa dating guro ni Rosemil: Bagsak sakin dati yan



Larawan mula sa Facebook
Nabulabog ang mundo ng social media matapos ang matinding kontrobersiya na nangyari sa isa sa naging episode ng Raffy Tulfo in Action kung saan ay inireklamo ng lola at ina ang isang guro ukol sa pamamahiya umano nito sa kanyang estudyante.

Naging mainit ang isyung ito at umani ng samu't saring reaksyon mula sa mga netizen.

Maging ang host ng programa na si Raffy Tulfo ay hindi nakaligtas sa batikos ng netizens dahil sa naging agarang paghatol nito laban sa gurong inakusahan ng umano'y pamamahiya at pananakit sa kanyang estudyante.

Maraming netizens ang hindi natuwa sa episode na ito ng programa, hindi naman daw kasi dumaan sa tamang proseso ang naging desisyon ni Tulfo dahil basta nalang nito pinapa-resign o kakasuhan nang hindi pinapakinggan ang panig ng guro.
Larawan mula sa Raffy Tulfo in Action / Youtube
Dahil dito, humingi ng tawad si Tulfo sa mga netizens dahil aminado naman daw ito na mayroon siyang pagkukulang at mali ang kanyang naging desisyon na makul0ng ang guro.

“I am going to listen to the netizens, kasi nga naman kung wala yung mga netizens eh wala din tayong show, so having said that I guess, ang gagawin ko nalang ay etong si teacher at itong parent ng bata ay pagbabatiin ko nalang,” ani Tulfo.

“May point nga naman sila na very harsh yung desisyon na pag-resignin yung teacher, although si teacher, she really admitted na meron siyang pagkakasala doon,” dagdag niya.

Sa kabilang banda naman ay isa umanong pagbubunyag sa mainit na isyung ito ang pumukaw ng atensyon ng mga netizens at agad din nag-viral.

Isang netizen na nagpakilalang dating guro ni Rosemil Edrosa, ang ina na inireklamo ang guro ng kanyang anak sa programa ni Tulfo.

Ang pagbubunyag na ito ay galing sa screenshot na ibinahagi din ng isang netizen na si Eugene Pascos Garcia.


Ayon kasi sa netizen na nag-ngangalang Eric Dolloso, dati nitong estudyante si Rosemil at first years college pa lamang ito ay nabuntis na kung kaya naman napahinto na ito sa pag-aaral.

Banggit din ni Dolloso na mula daw ito sa Araullo high school at sinabing mula noon pa ay maganda na si Rosemil.

Ngunit, ibinunyag ni Dolloso na hindi daw pumasa ang grado nito sakanya dahil wala daw itong alam.

"First year college yan si rosemil ng mabuntis sya ka ng stop n agad araullo highskul galing yan napakagandang bata nyan kaya lang walang utak hahahha. Bagsak sakin yan walang alam eh tapos sasabihin matalino anak san san kaya nagmana hahaha another stup*d parent bite a dusk." ayon sa post ni Dolloso.
Larawan mula kay Eugene Pascos Garcia.
Ito marahil ang binabanggit ni Rosemil na kahihiyang natanggap niya mula ng pumutok ang isyung pagdulog nito sa programang Raffy Tulfo in Action.

Inulan kasi ng negatibong reaksyon si Rosemil mula sa mga netizen dahil nadin sa pagbubunyag ni Dolloso sa dati nitong estudyante na si Rosemil.


Nhessa Gallos Fetalver eh di nahalungkat ang nkaraan mo!! teacher mupa ang ngsabi!! mas nkakahiya ka ngaun...

Dan Oliver Flores Kaya pala . Eh sya kaya kumuha ng license pra malaman nya pinaghrpan ng mga teacher tpos ganyan gnyanin lng

CarmelitaTuzon TeroCalape Orang Grabi ang pang huhusga para toloy kayong nag reak walang mga pinag aralan haha

Kristal Redillas Delacruz Prof bayan? Bat kung magcomment parang di professional? Panggap kalang ata eh. Imbis na bigyan mo ng pangaral na maganda ikaw patong nanghuhusga! Makikitid naden kase utak ng mga tao. Di lahat ng teacher may disiplina! Example nayan.

****