Matapos umano saktan ang bata: Tambay, pinagmumura pa ang nanay ng bulilit - The Daily Sentry


Matapos umano saktan ang bata: Tambay, pinagmumura pa ang nanay ng bulilit





Tila wala sa katinuan ang lalaki na diumano ay nanakit sa batang 3 yrs. old pa lamang.

Kumakalat ngayon ang video kung saan maririnig ang mainit na palitan ng mistula dalawang magkapitbahay na nagtatalo dahil umano sa pananakit ng lalaking tambay.

Sa video, makikita ang lalaking walang suot pang-itaas at isang nanay na bitbit ang kanyang anak. Nagsasagutan ang dalawa sa kalye dahil sa paratang ng babae laban sa lalaki.

Akusa nya, pinitik ng lalaki ang tenga ng walang kalaban-laban nyang anak na tatlong taong gulang pa lamang.

Mapapansing maayos na nakikipag-usap ang ina ng bata. Tinatanong ng babae ang lalaki kung bakit nya sinaktan ang kanyang anak ngunit sa kasamaang palad, patuloy lamang syang sinasagot ng pagmumura ng tambay na sya pang galit na galit.

"Lahat ng bata dito sinasaktan mo! Pati 'tong anak ko!" sumbat ng nagpupuyos na nanay.

Sinubukan pang mambaliktad ng lalaki sa pamamagitan ng pagbintang sa babae na sya ang nagmura, kahit ang maririnig lang naman na nagmumura ay ang lalaki.

"Mas p**a ka! Hwag mo akong sasabihang  p**a ha!", sigaw ng lalaki.

"Ano, sinong  p**a? Ikaw nga nagmura eh!" saad ng ina.

"Ikaw yung p**a eh,  p**ang i** mo!", sambit ng naga-amok na tambay.

"Tignan mo, may paglalagyan ka!" sagot ng nanay.

Ayon pa sa usapan ng dalawa, maririnig ang babae na sinabing: "Lahat ng bata dito sinasaktan mo, pati tong anak ko!"

"Ba't pitikin mo yung anak ko, eh ako nga hindi ko nga 'to pinapalo tapos ikaw pipitikin mo!", hinanakit ng nanay.

"Pinitik ko ba yan ha! Nakita mo? Nakita mo?", sigaw ng nagngangalit na tambay na akmang susugurin ang nanay. Mabuti na lamang ay mga kapitbahay na umaawat sa naga-amok na lalaki ng mga oras na iyon.

Source: Bhong Leonidas David