'Budol-budol' ng isang grupo gamit ang kape at sabon, ibinahagi ng babaeng naka-saksi - The Daily Sentry


'Budol-budol' ng isang grupo gamit ang kape at sabon, ibinahagi ng babaeng naka-saksi



Larawan mula kay Diane Buella
Viral sa social media ang post ng isang netizen na si Diane Buella, kung saan ay ibinahagi nito ang kanyang naging karanasan nang minsan ay mabiktma siya nang kung tawagin ay 'budol-budol'.

Nito lamang Dec. 20, ikwenento ni Diane ang nakakatakot na kanyang naging naranasan noong siya ay mamalengke sa bayan ng Bocaue, Bulacan.

Kwento ni Diane, habang namimili umano siya ay mayroon biglang lumapit sa kanyang isang babae na namimigay daw umano ng libreng sabon at kape.

Una palang daw ay tinanggihan na ni Diane ang ibinibigay sa kanya ng hindi kilalang babae, ngunit hindi na nito nakontrol ang sarili na sumunod sa gusto ng babae ng hinawakan siya at may ibinulong ito sa kanya.

"kanina pong umaga namalengke po ako dito sa bocaue tpos habang namimili ako may lumapit sakin na babae sabi nya namimigay daw sila ng sabon at kape sabi ko hindi ayoko tapos hinawakan nya ko tapos sabi nya sakin." ayon kay Diane
Larawan mula kay Diane Buella
Napunta daw sila sa isang sulok sa likod ng mga sasakyan at ayon pa kay Diane ay mayroon ng tatlong matandang babae na nauna sa kanya habang kinakausap ang mga ito ng isang lalaki hanggang sa dumami na sila doon sa lugar.

"parang bigla nalang ako sumunod pag hawak mya sakin pumasok ako dun sa mga likod ng sasakyan pag punta ko may tatlong nanay na nakikinig don sa lalaki tapos mayamya ang dami na namin tapos nag umpisa na yung lalaki pag salita." kwento nito

Tila wala umanong magawa ang mga biktima kundi sumunod sa mga sinasabi ng lalaki.

Habang nagsasalita umano ang lalaki ay naririnig ni Diane na humihingi ito ng pera galing sa kanilang wallet at tila naging sunud-sunuran ang mga ito sa lahat ng sinasabi ng lalaki.

Napansin din nito na palaki ng palaki ang halaga ng pera na hinihingi ng lalaki sa kanila.

"pag pikit namin may nilagay sya parang kahoy na may krus daw sa luob tpos pumikit nga ulit kami sabi nya pag lagay ng kamoy sa kamay namin ilagay daw sa wallet at kumuha daw kami ng 200pesos o higit pa." kwento pa nito
Larawan mula kay Diane Buella
Larawan mula kay Diane Buella
Ayon kay Diane, gising ang kanyang diwa ngunit hirap siyang kontrolin ang sarili at nanghihina umano siya.

Gayunpaman, pinilit ni Diane na kontrolin ang sarili at lumayo sa lugar ng pinagyayarihan nito kahit sobrang nanghihina na ito.

Basahin ang buong post ni Diane sa ibaba:

"OMG share ko lang po guys

"kanina pong umaga namalengke po ako dito sa bocaue tpos habang namimili ako may lumapit sakin na babae sabi nya namimigay daw sila ng sabon at kape sabi ko hindi ayoko tapos hinawakan nya ko tapos sabi nya sakin, sige na buntis pumasok kana jan sa luob na yan tas parang bigla nalang ako sumunod pag hawak mya sakin pumasok ako dun sa mga likod ng sasakyan pag punta ko may tatlong nanay na nakikinig don sa lalaki tapos mayamya ang dami na namin tapos nag umpisa na yung lalaki pag salita sabi nya ipikit nyo yung mga mata nyo may ibibigay akong gamot para sa mga kagat ng aso o pusa wala kayong babayaran hihingi lang kmi ng konting donasyon tapos pumikit kaming lahat hinawakan nya kamay namin tapos may nilagay sya sabi nya itiklop daw yung kamay namin na itim na bato tapos deretso sa wallet at dumukot daw kami ng 50pesos o higit pa . tapos lahat kami yun nga ginawa madami pa syang sinabi tapos sabi nya pumikit daw ulit kami may ilalagay daw sya ulit sa kamay namin . pag pikit namin may nilagay sya parang kahoy na may krus daw sa luob tpos pumikit nga ulit kami sabi nya pag lagay ng kamoy sa kamay namin ilagay daw sa wallet at kumuha daw kami ng 200pesos o higit pa.

"takte bigla akong parang natauhan pinipilit kong dumilat pero nahihirapan ako prang pag sinabi nyang dumilat na at kumuha ng pera dun lang makakadilat pero gising na diwa ko then nung bumulong sya sakin na dumilat ako at ipasok ko kamay ko sa wallet at kumuha ng pera dumilat ako tinignan ko kung pano ako lalabas don . 

"nakita ko yung ibang nanay na ang laki ng binibigay may 500 and 1000 pa tapos sabi ko tangina budoldol to pero di ako makalabas parang nanghihina ako nga pala may nilagay sya sa kamay namin nung umpisa palang. tapos ginawa ko kumuha ako ng 20pesos sa wallet ko tas tiniklop ko ng maliit na mliit tapos inabot ko dun sa lalaki sabay talilod nako may lumawak sakin biglang nanglabo paningin ko hilong hilo nako pero tiniis ko mag lakad makalabas lang don may nakita kong pweding upuan nung nakalayo nako sa kanila umupo ako at umuwi na . 

"tapos pag uwi ko sabi ng asawa ko ang tagal ko.daw pag tingin ko sa oras 11am na pala umalis ako ng 8am sa bahay dipo ko nag dadala ng cp or kahit ano pag namamalengke yung wallet ko lang dala ko . grabe first time nangyari sakin yon . buti 70 pesos lang nakuha sakin kawawa yunh ibang nanay na nakuhaan ng pera diko sila mahatak kase puro sila nakapikit.

"(mag iingat po tayo lalo na ngayon guys sobrang daming masasamang tao promise meron po sila ginagamit na ritwal para makapang loko mang gagamot din po lahi namin kaya siguro di nya ko masyadong naloko wag na wag po tayong mag titiwala).

****

Source: Diane Buella / Facebook