Grade 3 student mula sa Laguna, nakasungkit ng 2 Gold Medal mula sa International Math Competition - The Daily Sentry


Grade 3 student mula sa Laguna, nakasungkit ng 2 Gold Medal mula sa International Math Competition



Larawan mula sa Philippine Information Agency
Marami sa mga estudyante ay hirap sa subject na Mathematics dahil maliban sa mga nakakalitong formula ay kailangan din ng abilidad na maka-resolba sa mga malalaking numero at makuha ang tamang kasagutan.

Ganun pa man, kahanga-hanga ang ipinamalas na husay ng isang batang Grade-3 student na taga Los Banos, Laguna matapos itong maguwi ng dalawang gold medal mula sa paligsahan na ginanap sa Ho Chi Minh City, Vietnam.

Ang walong (8) taong gulang na si Zac Harvey Gordula ay kasalukuyang nag-aaral sa Lopez Elementary School sa Laguna at isa na ngayong international math wizard.

Ayon sa naging ulat ng Philippine Information Agency, naganap ang 2019 Singa o Singapore Math Global Team Competition na sinalihan ni Zac noong Nobyembre 22 hanggang 26.
Larawan mula sa Facebook
Maliban sa gintong medalya, nag-uwi din si Zac ng Tropeyo bilang overall runner-up ng mga estudyante na sumali sa naganap ng paligsaan.
Larawan mula sa Facebook
Abot langit naman ang tuwa na naramdaman ng mga magulang at guro ni Zac dahil sa ipinamalas nitong husay sa Math.

Ayon sa ina ni Zac na si Cherille Zaira Gordula, hindi raw nito maipaliwanang ang saya na kanyang nararamdaman dahil sa murang edad pa lamang ng kanyang anak ay nakakagawa na ito ng ganitong achievements.


Nagpasalamat naman ang kanyang guro sa lahat ng gumabay at nagpakita ng suporta kay Zac para sa kanyang pangarap na makasali sa international na kompetisyon.

"Isang karangalan para sa Los Baños ang nakamit ni Zac Harvey Gordula na nakakuha ng 2 Gold Medal at Overall Runner-up trophy para sa buong Grade 3 na sumali sa Singa Mathematics Competition na ginanap sa HCM, Vietnam. Si Zac ay Grade 3 na nagaaral sa Lopez Elementary School."
Larawan mula sa Good New Pilipinas
Nagpahatid din si Gov. Ramil Hernandez ng pagbati kay Zac sa pamamagitan ng kanyang Facebook post.

"Binabati natin si Zac Harvey Gordula na mula sa bayan ng Los Baños, Laguna dahil sa kanyang pagkapanalo sa katatapos na 5th Singapore International Math Olympiad Challenge (SIMOC). Tinanggap ni Zac ang Gold Medal sa Math Olympiad Contest, Bronze Award sa Math Warriors Contest at Bronze Award sa Mind Sports. Isa siyang Grade 2 student sa Lopez Elementary School.
Congratulations Zac Harvey Gordula and we are proud of you!"

****

Source: pia.gov.ph