Para hindi daw mambabae: GF pina-print ang mukha sa salawal ni BF bilang regalo - The Daily Sentry


Para hindi daw mambabae: GF pina-print ang mukha sa salawal ni BF bilang regalo



Larawan mula kay Jhamn Kathe Lagmay
Sa mga importanteng okasyon, tulad ng pasko, araw ng kaarawan, araw ng mga puso o maging sa araw ng kasal ay hindi na bago ang pagbibigay ng regalo sa ating mga mahal sa buhay.

Halos lahat ng nagbibigay ng regalo ay talagang  pinag-iisipan ang ibibigay ng regalo dahil nais nilang magugustuhan at talagang magagamit talaga ito ng taong pagbibigyan nila.

Ganunpaman, ang pagtanggap ng anumang regalo sa mga minamahal ay dapat pahalagahan, may halaga man ito o wala.


Dahil dito, kinaaliwan naman sa social media ang naisip ng nobya na pangregalo sa kanyang nobyo sa araw ng kanyang kaarawan.

Ayon kasi sa post ni Jhamn Kathe Lagmay, ibinahagi nito ang nakakagulat na regalo sa kanya ng kanyang nobya na si Hannah Faith Encabo.

Niregaluhan kasi siya ng salawal kung saan ay naka-print pa ang mukha ng kanyang nobya.
Larawan mula kay Jhamn Kathe Lagmay
Ayon kay Jhamn, naisip ng kanyang nobya na regaluhan siya ng salawal na may print ng kanyang mukha para kung sakali mang magloloko ito ay mahihiya ang ibang babae na ituloy ang kanilang balak.

 "Kaya daw nya pinaprint yung mukha nya para daw kung sakaling magloko ako mahihiya daw ung babae kasi makikita daw ung brief ko na may mukha nya"  ayon sa kanyang post

Sa kabila naman ng nakakagulat na regalong kanyang natanggap ay nagpahatid parin ito ng pasasalamat sa kanyang nobya.

"Hi love. Thank you sa gift mo. Lupit mo talaga magisip love wala akong masabi hehe. Epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh." saad nito.

Agad kumalat ang post ni Jhamn at sa maikling oras ay umabot na ito ng 10,000 reaksyon, 17,000 shares at 50 comments.

Kinaaliwan naman ito ng mga netizen at nagpahatid ng ibat-ibang komento mula sa comment section ng post.
Larawan mula kay Jhamn Kathe Lagmay
Larawan mula kay Jhamn Kathe Lagmay
Larawan mula kay Jhamn Kathe Lagmay
Basahin ang buong post sa ibaba:

"Hi love👋😍❤️ Thankyou sa gift mo🤗🎁 lupit mo talaga magisip love wala akong masabi hehe😘 epekto yan ng kakanood mo ng KMJS eh

PS: Kaya daw nya pinaprint yung mukha nya para daw kung sakaling magloko ako mahihiya daw ung babae kasi makikita daw ung brief ko na may mukha nya #bestgfever"

****