Pinoy 'hero surfer' magsisilbing Philippine flag bearer sa pagtatapos ng SEA Games - The Daily Sentry


Pinoy 'hero surfer' magsisilbing Philippine flag bearer sa pagtatapos ng SEA Games



Magsisilbing flag bearer ng Philippine flag ang tinaguriang ‘heroic surfer” na si Roger Casugay, 25, para sa pagtatapos ng Southeast Asian Games.
Roger Casugay / Imahe mula Northbound Philippines

Ayon sa Team Philippines chef de mission na si Butch Ramirez, ang pride ng La Union ang magbibitbit ng watawat ng Pilipinas ito ay matapos niyang ipakita ang kabayanihang pagliligtas sa kapwa niya surfer na Indonesian sa kasagsagan ng kompetisyon.

Natigil ang kompetisyon ng matanggal ang tali sa surfboard ng Indonesian surfer na si Arip Nurhidayat at natangay ng malakas na alon. Tumigil si Casugay sa pagsu-surf para sagipin ang kapwa atleta kahit na gintong medalya ang kanilang pinag-lalabanan.

Nang mag-resume ang kompetisyon ay nagwagi si Casugay ng gintong medalya sa men’s longboard.
 Image mula GMA Network
Image mula Flipboard

Dahil sa ipinakitang kabutihan, pangungunahan ni Casugay ang 1,185 Filipino athletes sa closing ceremony sa New Clark City Athletics Stadium sa Capas, Tarlac.


***
Source: Inquirer