Babaeng nanakit ng sales assistant, nagbigay na ng pahayag tungkol sa insidente - The Daily Sentry


Babaeng nanakit ng sales assistant, nagbigay na ng pahayag tungkol sa insidente



Larawan mula sa Facebook



Sa kulungan ang naging bagsak ng isang misis na nagwala at nambato ng humidifier sa isang promodiser sa loob ng isang mall sa Cebu City.

Ang suspek ay kinilalang si Medilina Berja Yamasaki, 33-anyos, ay nahuli sa kanyang condo matapos ireklamo ng biktimang si Jennifer Fabillar, 26-anyos sa Mabolo Police Station.

Noong una ay tumangging mag bigay ng pahayag si Yamazaki, ngunit ayon sa isang ulat ng KAMI ay nagsalita na umano ito.

Ayon sa Cebuanang kinasal sa isang Japanese, ipinahiya siya ni Fabillar sa harap ng kanyang anak, bagay na kanyang ikinagalit na humantong sa pambabato ng humidifier sa sales assistant.

Sinabi naman ng chief ng Mabolo police station na si Major Dindo Juanito Alaras na base sa salaysay ni Fabillar, pinaalalahan lamang niya ang ginang na huwag i-testing ng matagal ang humidifier.

Medyo tumagal umano ang pag testing ni Yamazaki na posibleng ikasira ng produkto at kapag nasira ay kailangan niya itong bayaran.

Sa naturang video, makikitang nagsisigaw si Yamazaki at dalawang ulit pang binato ang empleyado ng mall.

Giit naman ni Yamazaki, siya ay napahiya sa kanyang anak dahil sa sinabi ni Fabillar kaya nagawa niya ang bagay na iyon.

Hinala naman ng mga pulis, maaring wala sa katinuan ang ginang nang mga oras na iyon. Subalit hindi rin nila makumpirma dahil tumangging sumailalim sa medical exam ang suspek bago makulong.

Nagtamo pa ng sugat at pasa sa ibabang bahagi ng kanang mata ni Fabillar dahil sa insidente kaya sinampahan niya ng kasong physical injury si Yamazaki ngayong araw ng Lunes.