Yeng may mensahe kay Pangulong Duterte sa renewal ng ABS-CBN franchise - The Daily Sentry


Yeng may mensahe kay Pangulong Duterte sa renewal ng ABS-CBN franchise



May mensahe ang singer at ABS-CBN network mainstay na si Yeng Constantino kay Pangulong Rodrigo Duterte patungkol sa isyu ng ABS-CBN franchise renewal.
Yeng Constantino at Pangulong Rodrigo Duterte / Mga larawan mula ABS-CBN at Agbrief

Ayon sa isang interview ng PEP sa singer-songwriter, nananalangin ito na hindi mangyari na maisara ang ABS-CBN sakaling hindi aprubahan ang franchise renewal nito.

Kwento ni Yeng, sa ABS-CBN siya nakilala at sumikat pagtapos nitong manalo sa reality show na “Pinoy Dream Academy.” 

I grew up here and [my career] thrived here,” sabi ni Yeng.

And the thought that it could all go away is sad,” dagdag nito.

Narito ang kanyang mensahe kay Pangulong Duterte:

"Sir, saludo po ako sa marami niyong ginagawa tulad ng paglilikom ng mga pondo para sa bansa natin, para sa investment. Sir nakikita namin yun and we admire you. Maybe there are things na hindi agree about, it doesn't mean na lahat po ng flaws ninyo ang nakikita namin."

I don’t know what’s right and wrong for you, and ano ‘yung pinaka-ugat at puno nito, bakit po humantong sa ganito. Pero sir, sana po ma-consider n’yo rin po ‘yung ibang mga artists na nagtatrabaho sa industriyang ito katulad po namin. Baka lang po, kumakatok lamang po sa puso ninyo na baka maaari na hindi po maputol ‘yung source of living namin.”

Panoorin ang kanyang interview mula PEP.




***
Source: PEP