Dalawang Chinese national, namimigay ng libreng face mask sa Makati - The Daily Sentry


Dalawang Chinese national, namimigay ng libreng face mask sa Makati




Dahil sa lumalaganap na sakit dala ng coronavirus o 2019-nCov, labis-labis na lamang ang pag-iingat ng publiko dahil sa takot na mahawaan ng nakamamatay na virus.

Nagmula ang virus sa Wuhan China kaya naman marami ngayon ang nag-aalala sa tuwing may makasalubong na Chinese — ang unang papasok sa isip ay baka sila ay carrier ng virus at baka makahawa ng iba.

Isang netizen ang namangha sa kanyang nasaksihan sa Makati. Dalawang Chinese ang namimigay ng libreng face mask, ayon kay Precious Ann PatiΓ±o.


Narito ang buong post ng netizen na nakakita sa magandang loob ng dalawang Chinese:

Free mask from these two Chinese Men ❤️πŸ™πŸ»

Di ko masyado nabasa yung naka flash dun sa cp ng naka black na chinese pero parang mag nakalagay ata dun na “hug” then yung naka white sya may hawak ng mask sya taga abot

Sa mga madadaan dyan ng PBCOm Makati. Tanggapin nyo na lang po yung offer nila na mask sa ganyang paraan na lang sila makakabawi sa mga sama ng loob sa kanila at para makatulong na din sila. 😒❤️πŸ™πŸ»πŸ™πŸ»πŸ™πŸ» keep praying guys. Marami ng nangyayare ngayon para sabayan pa natin ng galit tulungan na lang.