Netizen, halos pakyawin na ang paninda ng matandang sinasaktan daw ng apo nito - The Daily Sentry


Netizen, halos pakyawin na ang paninda ng matandang sinasaktan daw ng apo nito



Likas sa mga Pilipino ang pagiging masipag at matiyaga upang kumita ng pera at may ipangtustos sa pamilya. Mayroong may mga kapansanan ngunit patuloy parin sa paghahanap buhay. Mayroon din namang matatanda na dapat ay nagpapahinga na lamang sa kanilang tahanan, ngunit wala silang magawa dahil kailangan nilang kumayod.
Mga imahe mula sa Facebook post ni Mailin Buenconsejo Tiong

Tulad na lamang sa viral Facebook post ng netizen na si Mailin Buenconsejo Tiong patungkol sa isang napakasipag na matandang kanyang tinulungan.

Sa kanyang post, ibinahagi ni Mailin ang larawan ng matandang nagtitinda ng mga doormat na madalas niyang bilhan. Dala ng awa at malasakit, binili na raw ni Mailin ang kalahati ng paninda ni lola kahit hindi naman niya ito kailangan upang maibsan ang bigat na dala nito at upang kahit papaano ay mayroon na agad itong benta.
Imahe mula sa Facebook post ni Mailin Buenconsejo Tiong

Mas lalo pa raw naantig ang damdamin ni Mailin sa kalagayan ng matanda nang minsang magsumbong ito na nabubugbog pa raw siya ng kanyang apo. Napansin pa ni Mailin na bali na ang braso ni lola at may tahi pa raw ang likuran nito.
Imahe mula sa Facebook post ni Mailin Buenconsejo Tiong

Marami ang nahabag sa kalagayan ng matanda at nagmalasakit na matulungan sa anumang paraan na kanilang makakaya tulad ng ginagawa ni Mailin. 

Samantala, umani ng mga papuri mula sa netizens ang ginawang kabutihan ni Mailin.

Narito ang ilang sa mga pahayag ng netizens: 





Sa ngayon ay umabot na sa nasa 10,000 reaksyon, 6,900 na komento at 12,000 shares ang naturang post.


***
Source: KAMI