Para sa sampung piso, isang lola naglalakad ng malayo - The Daily Sentry


Para sa sampung piso, isang lola naglalakad ng malayo



Sa buhay ng tao ay talagang napakahalaga ng pera dahil ito ang ginagamit natin upang makuha ang alin mang gustuhin natin. Sa buhay natin ngayon ay hindi maikakailang pera ang prayoridad ng bawat isa.
Lola Ofelia / Imahe mula sa video ni Val Santos Matubang

Tulad na lamang ng isang lola na malayo ang nilalakad upang kunin umano sa kanyang kapatid ang sampung piso.

Sa isang Facebook video na in-upload ng netizen na si Val Santos Matubang noong December 30, nakasalubong niya ang isang lola na naglalakad kaya binati niya ito ng Happy New Year. 

Kinausap ni Matubang si lola at tinanong kung saan ang punta nito. Sagot ni lola ay pupuntahan raw niya ang kanyang kapatid upang kunin ang pera niyang sampung piso.
Lola Ofelia / Imahe mula sa video ni Val Santos Matubang

Ayon sa video, ang pangalan ni lola ay Ofelia, ngunit hindi na nito matandaan kung ilang taong gulang na siya  at kung anong taon siya pinanganak.

Ayon kay lola Ofelia, wala na raw ang kanyang mister ngunit meron siyang apat na anak, lahat sila ay may asawa na.

Dahil naawa si Matubang kay lola Ofelia ay halos ibinigay na niya lahat ang kanyang dalang pera. Pinayuhan niya rin si lola na huwag ng tumuloy sa pagkuha ng kanyang sampung piso dahil meron naman na siyang pera, ngunit nagpatuloy parin sa paglalakad si lola.


Narito ang buong video:


Ikinatuwa naman ng mga netizens ang ginawang kabutihan ni Matubang.